Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina pabor sa pag-display ni Jinkee

0 64

Hindi pa man nagdedeklara ng kanyang kandidatura ang boxing icon na si Manny Pacquiao para sa pagka-presidente, naba-bash na siya . Dawit din ang kanyang asawa na si Jinkee.

Pinuna ng ilang netizen ang pagkain niya nang nakakamay sa kanyang Instagram account.

Pati ang kanyang misis na si Jinkee ay hindi nakaligtas sa pambabatikos ng mga netizen.

Hirit ng ilang pakialamera, nakikita raw nila kay Jinkee ang mga katangian umano ng isang magarbong Imelda Marcos dahil sa pagpa-flaunt ng mga mamahaling designer items.

Katunayan, pinagsabihan pa ng isang detractor si Manny na rendahan ang kanyang misis.

“Kung tatakbo siyang Presidente, dapat pgsabihan nya si Jinkee na hinay hinay lang pgsosoot ng mamahaling bagay. Baka sabihin ng botante another Imelda Marcos. Kahit sabihin natin na galing nman sa pgboboxing ni Manny ang pera nila,” sey ng basher.

Hindi naman nakatiis ang beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez sa banat ng basher sa mag-asawang Pacquiao.

“Ako naman bakit ako magpapanggap na cannot afford eh nagpapabugbog ako ng mukha at marangal ang kita ko? Huwayy will I pretend?” hirit ni Korina.

Agree naman ang ilang mga netizen sa katuwiran ni Korina.

Jodi suki si Iwa

Marami ang humahanga sa magandang relasyon nina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto. Hindi isyu na pareho silang naugnay kay Pampi Lacson.

Bukod sa pagiging magkaibigan, parang pamilya na rin kasi ang turingan nila sa isa’t-isa.

Kapag may taping o shooting si Jodi, naipagkakatiwala niya kay Iwa si Thirdy (anak ng aktres kay Pampi).

Katunayan, sobra namang naa-appreciate ni Jodi ang pagiging good stepmom ni Iwa sa kanyang unico hijo.

Kapag may bonding din sina Iwa at Pampi, madalas ay join din sila ng anak sa out-of-town trips ng mga ito just like one happy family.

Kamakailan naman, labis ang pasasalamat ni Jodi sa pagpo-promote ni Iwa ng kanyang beauty, cosmetic at personal care business.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita niya ang suporta kay Jodi sa pamamagitan ng pagbili ng alcohol at sanitizer nito.

“My orders are here!!” ani Iwa.

Ibinahagi pa niya ang mensaheng nakalakip sa bracelet na tila freebie nito.

“You are loved.You are valued.You are beautiful,” caption ng kanyang post sa IG.

Agad namang nag-reply ng pasasalamat si Jodi sa pagiging suki ni Iwa ng kanyang mga produkto.

“Thank you,” pakli ni Jodi.

Marami namang netizen ang nag-react sa magandang relasyon ng dalawa.

“Sana lahat ng ex at current ay ganyan ang relasyon.”

“Sarap namang maging kaibigan ni Iwa. Iyong tipong stepmom na mamahalin pati anak mo.”

“Puwede palang maging friend ang ex ng dating dyowa mo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.