Abante Tonite Interactive

Korina palaban kay Jessica

By
479

NOONG October 5 pa ang birthday ni Korina Sanchez, pero kagabi lang siya nagkaroon ng birthday episode sa Rated K. Mamayang gabi naman daw, may pa-birthday dinner treat si Korina sa kanyang Ra­ted K staff.

Aalis naman daw sa Friday si Korina pa-South, Korea kung saan ay iko-cover niya para sa kanyang Ra­ted K show ang isang K-Pop event doon. Bale naimbitahan daw sila roon ng promoter ng nasabing event at overnight lang daw roon ang misis ni Mar Roxas dahil sa Sunday ay aalis na naman siya pa-Amerika. Magtatagal daw sa Amerika si Korina.

Panay-panay ang shoot ni Korina ng segments ng kanyang show sa iba’t ibang bansa. Very competitive ngayon ang Rated K kahit iniintri­gang tinatalo sila ng Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA 7.

‘Yung Xander Ford episode nila na na-reveal na ang bagong hitsura nito ay nakapagtala raw ng mataas na ra­ting.