Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina, Pepe,Pilar bawal lapitan ni Mar

0 127

NI: VINIA VIVAR

Hindi pala pwedeng lumapit ngayon kay Korina Sanchez at sa dalawang anak ang asawa niyang si Mar Roxas.

Ayon sa Instagram post ni Koring, na-quarantine daw ang mister dahil na rin sa nagbabantay ito sa ina sa hospital.

“For those wondering where Pappi is… Siya naman ngayon ang naka quarantine from me and the kids. He had to care for his mom in the hospital for a while,” ani Koring.

Kaya pabisi-bisita lang daw si Mar sa kanilang mag-iina ngayon pero wala pa ring direct contact.

“So now pabisi-bisita sya but can’t get in direct contact with any of us. It’s hard. This pandemic life with babies. At least one of us is always with the kids,” saad pa ni Korina sa IG post.

Okay naman daw ang kanyang biyenan pero syempre, kailangan pa rin nilang maging maingat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.