Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina sinita ng asawa sa bikini

0 69

Dahil ang init ng summer, nakiuso na rin ang Rated Korina host na si Korina Sanchez sa pagbibilad ng kanyang kaseksihan.

Sa kanyang Instagram account, keber lang siya sa mga basher sa pagbibilad ng kanyang alindog suot ang one-piece swimsuit.

At 57,gusto raw niyang patunayang may asim pa siya at maging fitspiration sa mga kababaihan na asamin ang healthier lifestyle.

Ibinahagi pa niya na minsan ay nasita raw siya ng kanyang mister na si Mar Roxas sa pagsusuot ng revealing outfit.

Sey niya sa esposo, dapat daw ay maging proud pa ito sa kanya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katuwiran niya, hindi raw naman niya gagawin ang isang bagay kung feeling niya ay wala na siyang K.

Gayunpaman, aminado naman siyang di na niya keri ang mag-two piece kaya’t solb na raw siya sa one-piece swimsuit.

Bahagi raw ng kanyang health regimen para mapanatili ang fit and fab na body ang regular na pagi-ehersisyo tulad ng swimming.

Nagwe-weights din daw siya araw-araw to stay in shape.

Minsan daw, she tries low-carb-high-fat Keto diet at intermittent fasting lalo na noong panahong tumaba siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.