Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina, Ted, Gus sibak ang show

0 959

Babu muna at biglang naging the WHO ang hosts at staff ng News Department shows ng ABS CBN.

Ano ang damdamin ni Korina Sanchez-Roxas tungkol sa katotohanang shelved na ang “Rated K,” mababasa kaya natin sa kanyang social media pages? Ang Umagang kay Ganda, ilang taon na ring naging morning viewing habit ng mga Kapamilya, ano rin kaya ang saloobin ng mga host sa pangyayari?

May tandang pandamdam na rin sa siyam pang programang mula sa Current Affairs Division ang tinigbak na rin at kasama rito ang high profile na Failon Ngayon ni Ted Failon, SOCO ni Gus Abelgas at DocuCentral.

Nakakalungkot ang pangyayaring ito. Wala namang magagawa ang mga artista at production staff na kasali sa nasabing mga programa dahil alam naman nating lahat na on kalbaryo status pa ang Dos.

KaladKaren pinangaralan si Buknoy

Kung bakit number one trending topic ang nilalang na itatago natin sa fictitious name na Buknoy Glamurrr, kasalanan niyong lahat iyang mga adik sa TikTok.

Binigyang ilusyon niyo kasi na importante siya dahil follow kete follow kayo sa kabalbalan niya ngayong meron siyang slip of the tongue tungkol sa isang manong driver of tricycle, up and arms kayo at poot na poot.

Kung hindi niyo siya super follow at aliw na aliw kayo sa kahitaran niya, eh di sana hindi kayo upset na upset ngayon. Ewan ko naman kasi sa inyo, lahat na lang gusto niyong gawing singular sensation.

Related Posts

Kaya bongga na ang unsolicited advice ni Ms. Jervi Li, na mas kilala natin bilang si KaladKaren Davila. Ang mga tulad daw ni Buknoy and the rest of his kind ay mag-aral muna, dagdag ang kaalaman, huwag pulos gadgets at kung ano-anong pagmamaganda sa social media. Kung hihingi ng paumanhin, dapat alamin kung saan at ano ang pagkakamali at dapat sinsero.

Tweet ni Buknoy,”I’m sorry, I understand why I was wrong and it will never happen again.”

Dapat lang!

Alex pinagtripan ang dyowa

Ibang klase ring mag-trip itong si Alex Gonzaga, huh! Pati ang kanyang fiancée na si Mikee Morada, affected much sa kanyang kaluka-lukahan. Biktima na naman siya sa prank sa tinidor.

Dapat sigurong paghandaan pa ni Morada ang mga panggo-good time at maari ring wow mali moments ng kanyang misis to be at talagang dapat mahaba ang pasensya at pang-unawa niya sa kanyang minamahal.

One fine sample lang ito of the mga maari pang gawin ni Alex kay Mikee para paglaruan ang kanyang jowa at maipalabas spontaneously ang care bear side nito.

Ang swerte naman ni Catherine sa jowa. Parang ang sarap niyang gurlisan. Charot! Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.