Abante Tonite Interactive

Korona sa Manhunt International babawiin ng ‘Pinas

389

Sino nga ba ang tatanghalin na winner sa nalalapit na Manhunt Internatio­nal 2020. Nga­yon Februa­ry 22, 2020 gaganapin ang coronation night ng 20th Edition Manhunt International World final sa Manila, Philippines-KIA Thea­tre Quezon City. Maglalaban-laban ang mga representative ng bawat bansa na kalahok na kinabibilangan ng ating pambato na si Daumier Corilla, 24 years old from Mandaluyong City. Si Corilla ay isang actor at mo­delo na pambato ng Pi­lipinas. Ang pambato ng Pilipinas na si June Macasaet na modelo, ang nagwagi noong 2012.

Makakarating kaya ang pambato ng China? Dahilan sa ma­laganap na coronavirus na siyang pinagmulan nito. Aba­ngan natin.

Ang inyong lingkod ay siyang napiling Official Designer ng Fashion Swimwear na susuutin ng mga delegado. Ang Iskin Easthe­tic Lifestyle naman ang siyang magpa­paguwapo lalo sa mga contestant.

Sa February 18 gaganapin ang press launching at welcome party sa mga kandidato na gaganapin sa F1 Hotel, Bonifacio Glo­bal City. Magkakaroon ng mini fashion show ng a­king fashion swimwear na siyang inaaba­ngan ng lahat.

Malakas ang Pambato ng Brazil, Pa­raguay, Netherlands at Pilipinas. Nanalo ang pambato ng Spain last year 2019 na si Vincent Llorach.

Pinagkatiwala ng presidente ng Manhunt International na si Ginoong Rosko Dickin­son ang pag-organisa ng event sa Pilipinas nga­yong taon kay Ginoong Jonas Gaffud ng Empire and Mercator Ar­tist and Mo­del Ma­nagement Inc.

Special thanks to

Mr. Benz Jandoc, Brand Manager
iSkin Aesthetic Lifestyle
and JG Fashion Swimwear
Mr. Bench Bello, Admin
John Guarnes FB Page