Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korporal dedbol sa motor

0 206

Isang pulis Muntinlupa CPS ang nasawi nang maaksidente ito sa minamanehong motorsiklo sa Cavite, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Police Corporal Lester Cruz, 37, nakatalaga sa Muntinlupa City Police Station, taga-Blk 130, Lot 1 Phase 4, Tierra Nevada, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Sa ulat ni PCMSgt Feliciano Garcia II, ng Bacoor City Police Station, ika-6:20 Linggo ng gabi nang maganap ang insidente sa Daang hari Road sakop ng Brgy Molino 4, Bacoor City, Cavite.

SM food to go Banner Ad

Minamaneho ng nasabing pulis ang brown niyang motorsiklong Honda ACB 150 nang pagsapit sa isang paatas na bahagi ng kalsada ay tumigil ang isang multicab upang magsakay ng pasahero.

Dahil dito, dumulas pakanan sa bahagi ng kalsada ang motorsiklo at tumilapon ito.

Isinugod sa South City Hospital and Medical Center ang biktima pero idineklarang dead on arrival. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.