Abante Tonite Interactive

Korver extra shooter ni Antetokounmpo

471

Binigyan ng Milwaukee ng extra shooter si Gia­nnis Antetokounmpo, pinapirma ng Bucks sa isang taong kontrata si veteran sharpshooter Kyle Korver.

“Free agent Kyle Korver has agreed to a one-year deal with the Milwaukee Bucks, agent Jeff Schwartz of @excelsm tells ESPN,” tweet ni Adrian Wojrnarowski.

Nawala sa team sina Malcolm Brogdon at Nikola Mirotic, naghanap ang Bucks ng ibang wings.

Si Korver ang isa sa top 3-point shooters ng liga sa career 42.9 percent shooting sa labas ng arc. Nag-a-average siya ng limang 3s bawat laro kahit hindi masyadong nabababad.

Pinagpilian daw ni Korver ang Bucks at Philadelphia 76ers na naghahanap din ng ipapalit kay JJ Redick.

Kung tutuusin, pang-apat na team ni Korver ang Bucks sa nakalipas na dalawang linggo. (VE)