Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kostumer nabitin sa alak, tindero kinatay

0 85

Nang mabitin sa inumin, todas ang isang may-ari ng tindahan matapos siyang pagsasaksakin ng isang lasing na kostumer sa harap ng tindahan sa Gattaran, Cagayan kamakalawa.

Ang biktima ay si Perlito Tobias, 55-anyos, may-ari ng isang sari sari store at residente ng Brgy. Zone 1, Newagac sa Gattaran.

Samantala, ang suspek ay kinilalang si Ritchie Cabildo, 29, ng nasabi ring barangay.

Sa imbestigasyon, ayon sa Gattaran Police Station (GPS), may kaaway umano si Cabildo na Alvin Tobias at umawat lamang si Perlito.

Sa kanyang pag-awat, unang sinaksak ni Cabildo si Alvin at isinunod si Perlito na sinaksak niya sa dibdib diretso sa puso.

Agad isinugod sa ospital ang store owner ngunit hindi na siya u­mabot nang buhay, ayon sa mga doktor.

Sa report, nabitin sa kanilang iniinom na alak sina Tobias at ang magkapatid na Ritchie at Raymart Cabildo kaya pinipilit nila ang biktima na pagbilhan pa sila ngunit tumanggi na ang store owner dahil malalim na ang gabi at lasing na ang mag-utol.

Ayon sa GPS, dito nagalit si Ritchie dahil ayaw siyang pagbentahan ng alak.

Matapos ang pana­naksak sa biktima, agad tumakas ang mag-utol. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.