Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kostumer narindi sa serbisyo ng Maynilad

0 318

Napuno na ang mga customers ng Maynilad Water Services Inc. sa pagpapalit-palit ng advisory tungkol sa oras kung kailan makaaasa silang magkatubig.

Binaha ang malaking bahagi ng Metro Manila at inihantulad na ito sa bahang dulot ng bagyong Ondoy sa ibang lugar at kailangan ng mga tao ng tubig para malinis ang kanilang mga tahanan.

“Wow nawala na ang Caloocan, may balak pa ba kayong tumupad sa mga post niyo, alas 4 ng hapon ang sabi nyo, mga sinungaling,” sabi ni Analiza Secillano kahapon ng 7:26pm sa official Facebook page ng Maynilad.

SM food to go Banner Ad

“Kanina 4pm, ngayon 1pm. Anu gaguhan tayo Maynilad Water Services Inc.,” sabi ni Keith Araullo sa FB ng Maynilad ng 7:33pm kahapon.

Humingi naman ng paumanhin ang Maynilad sa kabiguang maibalik agad sa normal ang suplay ng tubig sa kanilang mga kostumer matapos ang bagyong Ulysses.

“The 6,000 NTU (nephelometric units) is way above the previous historical high of 1,800 NTU, and this constrained us to reduce the production of our La Mesa Treatment Plants so we can maintain the quality of water that our facilities release to the distribution system,” paliwanag ng water concessionaire sa kanilang statement. (IS/Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.