Abante Tonite Interactive

Kotong cops sa Baclaran pinasisibak kay Bato

By
10

Hiniling ni ­Parañaque City Mayor Edwin ­Olivarez kay Philippine National Police (PNP) ­Director General Ronald `Bato’ dela Rosa na sibakin ang ilang kagawad ng pulisya sa naturang lungsod na umano’y nango­ngotong sa mga vendor sa Redemptorist Church sa Baclaran.

Hindi muna pinanga­lanan ang mga ­pulis na nireklamo umano sa tanggapan ni Olivarez ng asosasyon ng mga vendor sa Baclaran na hini­hingan sila ng kolektor ng mga tinaguriang kotong cops ng ‘advance protection money’ na nagkakaha­laga ng P10,000.00 para sa buwan ng ­Hulyo dahil ito umano ang utos ng kanilang ‘amo’ na taga-Southern Police District.

Sinabi pa ng mga vendor kay Olivarez na mga bagong mukha at hindi nila kilala ang mga unipormadong pulis na umiikot sa lugar at pasimpleng humihingi ng ‘advance payment’ pero kaya nilang ituro sa PNP chief kung kinakaila­ngan.

Pakiusap ni Olivarez kay De la Rosa na bumuo ng task force para imbes­tigahan ang mga police scalawags na ito at ili­pat sa Mindanao o sibakin nang tulungan sa serbisyo kapag napatuna­yan ang iligal na gawain.