Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kotse bumangga sa puno, 2 tepok

0 178

Sinalubong ng trahedya ang unang araw ng Disyembre nang bumangga sa puno ang isang kotse na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa nitong pasahero at pagkasugat ng dalawa pa sa Las Piñas City.

Ayon sa ulat, agad na namatay sa insidente sanhi ng grabeng pinsala sa katawan at ulo sina Carl Jayson Sta. Ana, 31-anyos, ng Kawit, Cavite, na nakaupo sa tabi ng driver na si Reynaldo Regalado Jr., 52, at residente ng Magnolia St., Dona Manuela Subd., Pamplona Tres, Las Piñas.

Samantala, sugatan din pero nakaligtas ang dalawang pasahero sa likod at magkamag-anak na sina Rona Mae Glean, 25, at 16-anyos na lalaki, parehong residente ng Dona Manuela Subd., Pamplona Tres.

Ayon sa ulat, binabaybay ng mga biktima lulan ng Toyota Vios na may plakang NAK 3082 ang kahabaan ng Alabang-Zapote Road nang bumangga sila sa isang puno bandang alas-2:15 ng madaling-araw ng Miyerkoles.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang alegasyon na nakainom umano ang mga biktima nang mangyari ang aksidente. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.