Abante Tonite Interactive

Kotse inanod sa bumigay na kalsada

348

Dahil sa patuloy ng pagbuhos ng ulan sa maraming parte ng lalawigan ng Cagayan, isa umanong sasakyan ang nahulog sa bumigay na kalsaba sa bayan ng Sachez Mira, sa nasabing lalawigan kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO) nahulog ang nasabing sasakyan at nalubog sa may tubig-baha sa kalsada malapit sa Pamilihan Ba­yan ng Sanchez Mira.

Palabas na umano ang sasakyan nang biglang gumuho ang kalsada dahil sa malambot na ang lupa.

Agad namang rumescue ang mga miyembro ng CPPO kung saan walang naitalang namatay o nasu­gatan sa nasabing insidente. (Allan Bergonia)