Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kotse na may 7 sakay bumulusok sa bangin

0 365

Sugatan ang pito katao matapos mahulog sa bangin sa tabing dagat ang sinasakyan nilang kotse sa bayan ng Alegria sa Cebu kahapon ng umaga.

Ginagamot ngayon sa MJ Cuenco Memorial Hospital sa Malabuyoc ang mga biktimang sina Jaime Ferrer Jr., 41, drayber ng sasakyan; Jay Villegas, 21; Jayros Cordero Briones, 20; Mark Daniel Sabanal Navarro, 19; at 3 minor, na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente, alas-6:15 ng umaga habang binabagtas ng mga biktima ang Sitio Tumandok, Barangay Legaspi lulan ng isang Hyundai Sedan at minamaneho ni Ferrer.

Galing umano ng Moalboal ang mga biktima pauwi na nang pagdating sa kurbadang parte ay hindi umano natantiya ni Ferrer ang sasakyan dahilan upang sumalpok sila sa concrete barrier sa gilid ng kalsada. Sa lakas ng impact, tuloy-tuloy na nahulog ang sasakyan sa bangin.

Mabilis namang sinaklolohan ng mga residente ang mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dahilan ng aksidente at kung nakainom ang drayber ng sasakyan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.