Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kotse pisak sa poste ng Meralco

0 176

Nawasak ang isang sasakyan habang nawalan ng internet connection at kuryente ang mga residente ng Barangay 349 nang bumagsak ang isang poste ng Manila Electric Company (Meralco) kamakalawa ng hapon sa may Old Antipolo St., Sampaloc, Maynila.

Bumigay ang poste matapos makaladkad ng tren ang mga kable na nakalaylay. Alas-10:30 ng umaga kahapon ay makikitang nakahambalang pa sa lugar ang poste.

Nanawagan ang mga residente sa lugar na kaagad isaayos ang mga kable ng internet na nadamay sa nabuwal na poste dahil apektado ang online class ng mga estudyante kahit na naibalik na ang linya ng koryente.

SM food to go Banner Ad

Nakaligtas man sa aksidente ay nawalan naman nang mapagkakakitaan ang isang TNVS driver dahil nasira ang kanyang sasakyan matapos mabagsakan ng poste partikular sa likurang bahagi.

Ayon kay Barangay Chairman Eliza Franco, isa sa tinitingnang dahilan ay maaaring hindi napansin ng nag-aayos ng kable ng kuryente na lumaylay na ito dahilan para mahatak ang kable ng PNR train.

Walang nasaktan sa insidente ngunit sarado pa rin ang kalye kung saan damay din ang ilang bahay at sasakyan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.