Abante Tonite Interactive

Kouame, Ateneo-Cignal binusabos ang VCB-Baste

258

Nagpaulan ng pitong tres sa final frame ang Cignal-Ateneo para tambakan at dagitin ang 105-67 panalo kontra Valencia City Bukidnon-SSCR sa Game 1 ng best-of-three semifinals series ng 9th PBA D-League 2019 semifinals Lunes sa Paco Arena sa Maynila.

Pinatikim ng Blue Eagles ang champion­ship experience sa delikadong mga tagpo ang Golden Harvest, na nakasabay lang sa first half bago naglamlam simula sa third period.

Poste si Angelo Kouame ng double-double finish na 19 points at 20 rebounds habang may 12 markers at dalawang rebounds si Mike Nieto. Nagsahog ng 11 points si Lorenzo Mendoza habang may tig-10 puntos sina Thirdy Ravena at Matt Nieto.

“Coach Tab [Baldwin] reminded our players to follow our rules in defense because there were times that we were playing individual defense and not team defense,” sabi ni assistant coach Sandy Arespacochaga.

May 23 points at pitong rebounds si Allyn Bulanadi para sa VC-SSCR.

Umiskor naman ng game-winning lay up si Rich Guinitaran upang maituloy ng seven-man Centro escolar University ang Cinderella run sa Final 4 naman nang maeskapuhan ang St. Clare College Virtual Reality, 76-75. (Fergus Josue, Jr.)