Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kouame bigay-todo agad vs Korea

0 304

Nais ni naturalized Angelo Kouame na madama ang init at kasiyahan sa unang paglalaro sa Gilas Pilipinas sa 30th International Basketball Federation Asia Cup Qualifiers 2021 third and final window sa Clark Freeport sa Hunyo 16-20.

Kaya siniguro ng 23-year-old, 6-foot-10 Ivorian-Pinoy na ibibigay niya ang kanyang 100 percent sa pagbitbit sa unang pagkakataon sa bandila ng bago niyang bansa.

I’m pretty excited and I’m just gonna give it my all,” aniya Lunes. “Especially when I see the posts on social media, puso is part of the country. I really want to be a part of it.”

SM food to go Banner Ad

Dagdag motibasyon niya ang laban sa South Korea sa una at huling araw ng torneo ang magagandang kuwento sa huling pagkakataon na tinalo ng naitonal men’s team ang Koreans sa 2013 FIBA Asia Cup sa bansa 86-79 upang makapasok sa 2014 Spain World Cup.

“I heard a lot of stories and they told me when the Philippines won here at home and it was a great thing for the people and for the organization,” hirit ni Kouame.

Bumubuo sa Pinoy quintet noon sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Jeff Chan, Jean Marc Pingris Jr., Jayson William Castro, Gabe Norwood, at Jimmy Alapag. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.