Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kouame, Eagles dadagitin 4-peat

0 24

Laro ngayon: (MOA Arena)
Game 3/ Best-of-3 Finals
6:00pm — Ateneo vs UP

Puntirya nina Ange Kouame at ng reigning champions Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles na maibagahe ang kanilang four-peat title sa winner-take-all Game 3 Finals ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament kontra University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, Biyernes, alas-6 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Sa kabilang dako, asam ng Fighting Maroons na makopo ang kampeonato at wakasan ang kanilang 36-taon na paghihintay sa titulo.

Niresbakan nitong Miyerkoles ng Ateneo sa Game 2 Finals ang kampo ng UP sa iskor na 69-66 sa pamumuno ni league MVP Kouame na nagtala ng 14 points, 14 rebounds, walong blocks at tig-isang assist at steal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katuwang rin sa panalo sina Tyler Tio na kumana ng 14 points at Dave Ildefonso na may 10 puntos, walong rebounds, apat na assists at dalawang steals.

“Again heading into Game 3, we have to put everything that happened in Game 2 behind us now. And we have a whole new challenge in front of us. So whatever work we did, whatever sacrifices we made in the last few days, and they were significant, we should be expecting to face the same thing,” deklara ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Samantala, kapos naman para sa UP nitong Game 2 ang 18 points at 12 boards ni Rookie of the Year Carl Tamayo pati na ang 16 markers, tig-apat na rebounds at steals at isang assist ni Ricci Rivero. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.