Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kouame, Eagles humihinga pa

0 38

NAKAHIRIT ng do-or-die sina Ange Kouame at ang Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles matapos maungusan ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa Game 2 ng best-of-three Finals, 69-66, kagabi sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Itinabla ng reigning champions Ateneo, asinta ang four-peat championship, ang serye sa pamumuno ni league MVP Kouame na nagtala ng double-double performance na 14 points at 14 rebounds katuwang si Tyler Tio na umiskor ng 14 puntos.

Sa ikatlong yugto, uminit ang opensa ng Blue Eagles at umangat 45-30, sanatitirang 5:46 mark, ngunit sa fourth quarter ay naitabla ng UP ang iskor sa 54-all matapos makaiskor si Ricci Rivero.

Mainit pa ang naging tapatan sa dalawang panig makaraang lumamang ang UP, 57-56 subalit hindi nagpasindak ang Ateneo at kumawala 65-61 kasunod ng layup ni SJ Belangel.

SM food to go Banner Ad

Lumayo pa ang Blue Eagles sa huling 48 segundo, 69-63, at pinanghawakan na ang lamang hanggang sa dulo.

Katuwang sa panalo ng Ateneo sina Dave Ildefonso na may 10 puntos, walong rebounds, apat na assists at dalawang steals at Gian Mamuyac na kumana ng pitong puntos.

Samantala, nabalewala naman para savUP ang 18 points at 12 boards ni Rookie of the Year Carl Tamayo gayundin ang 16 markers ni Rivero.

Magtatapat sa huling pagkakataon ang Ateneo at UP sa Biyernes sa win-or-go home Game 3. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.