Abante Tonite Interactive

Kouame inabsuwelto ni Baculi sa pagtuhod kay Akhuetie walang sala

By
0 555

Wala naman pala talagang dapat gawing pagkilos ang komisyoner ng 81st University Athletic Association of the Philippines 2018 men’s basketball tapos ng Game 1 ng best-of-3 finals ng Ateneo de Manila University at Unibersidad ng Pilipinas sa Mall of Asia Arena, Pasay City noong Sabado.

Dalawang ulit tumugon si league cage commissioner Edmundo ‘June’ Baculi, Jr. ng “none” sa katanungang kung may mapaparusahan sa hanay ng player at coach, kasama ang pagtuhod ni ADMU Blue Eagle Angelo Kouame kay UP Fighting Maroon Bright Akhuetie.

Gitgitan ang 2 sentro kung saan nasa opensiba si Nigerian center Akhutie habang dumedepensa si Ivorian rookie slotman Kouame, may 6:31 ng 3rd quarter.

Naunat nang husto ang kaliwang hita ni MVP Akhuetie tapos matuhod sa likod ni Kouame daan para sumubsob sa sahig ito, umaringking sa sakit at tuluyang nilabas ng court gamit ng medics ang stretcher habang siya’y nakahiga.

Galaiti ang komunidad ng UP na tinadtad ng “boo” ang Atenista na hindi rin natawagan ng referees, at binomba rin sa social media ng netizen. Pero dinepensa ng kanyang teammates si Kouame, tulad din ni Baculi, nagsabing ‘di naman sinadya ang nagawa.

“There was no intent to hurt,” panapos ni Baculi sa pagtatanggol din kay Kouame.

Sakote pa rin ng Loyola Heights-based dribblers ang mahirap 88-79 win tapos maglaho ang ope­ning stanza na 12-point lead at inabot pang 14 kalamangan sa game sa pinakamahigpit sa 3 sultada ng magkabilang kampo sa edisyong ito ng 8-eskuwelang liga.

Maaring mas na­g-iba ang takbo ng laro at puwedeng masilat ng Peyups sa mga basketbolista ng Loyola Heights kundi lang may 7 minutong namahinga sa bench si Akhuetie para sa nanakit na left knee.