Abante Tonite Interactive

Kouame isasahog sa Gilas

365

Idaragdag na rin sa binubuo na mas bata na Gilas Pilipinas ang big man mula sa Cote de Ivory na si Angelo Kouame.

Ito ay tapos hilingin ni Deputy Speaker/Antipolo City 1st District Rep. Roberto ‘Robbie’ Puno Lunes ng umaga sa House of Representatives na bigyan ng naturalization ang Ateneo Blue Eagles center.

Isinumite ni Puno ang House Bill No. 5951 na naghahangad ng Pilipino citizenship sa 20-anyos at 6-foot-11 na manlalaro mula sa Ivory Coast para mapabilang sa national training team para sa 19th FIBA World Cup 2023 sa bansa, Japan at Idonesia.

“We marveled at his performance that helped clinch a sixteen-and-O sweep for the Ateneo Blue Eagles in the 82nd Season of the UAAP. Mister Kouame may have had little knowledge of basketball before he came to our shores, but we cannot deny the immense potential he has shown by now,” ani Puno. (Lito Oredo)