Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kouame MVP

0 38

Nasungkit ni Ange Kouame ng Ateneo Blue Eagles ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament Most Valuable Player award.

Nanguna si Kouame para sa nasabing parangal makaraang makapagtala ng 69.214 statistical points (SPs) at pumoste ng average na 12.9 points, 11.4 rebounds, 2.4 blocks, 2.3 assists at 1.0 steal.

Samantala, bukod sa MVP, swak rin sa ang 6-foot-11 big man sa Mythical Five ng torneo kasama pa sina Justine Baltazar ng DLSU Green Archers (63.0 SPs) , Zavier Lucero (62.0 SPs) at Carl Tamayo (57.643 SPs) ng UP Fighting Maroons, at Michael Phillips (54.643 SPs) ng Green Archers.

Samantala, naibagahe rin ni Tamayo ng Fighting Maroons ang Rookie of the Year award na may average na 13.0 points, 7.5 rebounds, 1.5 assists, at 1.3 steals.

Inaasahang aawardan ang mga natatanging manlalaro ng torneo sa Miyerkoles, bago ang Game 2 ng best-of-three Finals sa pagitan ng Ateneo at UP. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.