Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kouame nagising sa kalampag ni Tab

0 133

Mga Laro Ngayon:

(AUF Gym/Clark)

11:30am – – Indonesia vs Thailand

3:00pm — Philippines vs Korea

6:30pm — China vs Chinese Taipei

NAPANALUNAN ng Gilas Pilipinas ang ikalawang laro sa third at final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers nitong Biyernes kontra Indonesia pero hindi lubusang natuwa si coach Tab Baldwin.

Kaya matapos makatikim ng kalampag kay Baldwin, tinitiyak ni Angelo Kouame na mas magiging agresibo na sila sa rematch kontra South Korea ngayong araw.

“It was a wake-up call for us,” sey ng 6-foot-10 big man sa sermon sa Gilas ni Tab.

Kahit panalo kasi ang team Gilas nitong Biyernes kontra Indonesia ay nadismaya pa rin si Baldwin dahil nakulangan ito sa kanilang disiplina.

Naging eye-opener naman kay Kouame ang kuda ng kanyang coach at tiniyak na paghahandaan pa nila ang susunod na laban kontra South Korea.

“We just have to give it all,” aniya pa at kahit na alam niyang mapapasabak sila sa matinik na laro ay laban lang.

“We know it’s gonna be a tough game and I think we’ll prepare for it. We just have to go scouting and be prepared to battle in the game. I think we’re ready for it so let’s get it,” dagdag ni Kouame. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.