Abante Tonite Interactive

Kouame paparada pa sa Ateneo

327

Hindi isyu ang eligibility ng Ivorian center na si Angelo Kouame para sa paparating na UAAP Season 82 men’s basketball.

Ito’y matapos ireklamo ng ibang member school ang pagpapayag kay Koaume na makapaglaro nang hindi pinupunan ang one year residency rule sa Ateneo.

“To me, there’s no issue,” ani ng league executive director Rebo Saguisag sa press conference nitong Linggo na ginanap sa MOA Arena.

Paliwanag ni Saguisag, pasok si Kouame sa eligibility rule para sa mga foreigner sa liga. Una rito ay naka-graduate siya dito sa Pilipinas, pangalawa ay nakumpleto nito ang isang full academic year sa bansa.

“As to a formal written complaint, none has reached the office. To be transparent, there was one query and there was a deliberation and I explained the present rule and after that, tapos na,” sundot pa niya.

Ngunit ipit naman ang dapat na pamalit kay Prince Orizu na si Emman Ojuola ng Far Eastern University dahil sablay ito sa rule ng UAAP pagdating sa mga foreigner.

“In the case of FEU’s, I think he was ineligible because he’s an FSA and one-and-done is only applicable for locals, for citizens of the Philippines,” saad nito. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad