Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kouame, Tamayo sasabak vs Serbia

0 93

Makikipaggiyera para sa Gilas Pilipinas sina Angelo Kouame at Carl Vincent Tamayo sa opening match kontra Serbia sa FIBA Olympic Qualifying Tournament 2020 kontra Serbia sa Belgrade ngayong Huwebes ng alas-2:15 nang umaga.

Nagkaroon ng knee bruise injury si Kouame sa tune-up game sa China noong June 23, habang nagka-sprained ankle si Tamayo Hunyo 18 sa FIBA Asia Cup Qualifiers third and final window sa Clark.

“They’re very much on the road to recovery. They’ll both play,” lahad ni national coach Tab Baldwin sa Hoops Life Martes. “Both are not 100 percent, but I think they’re good enough and I think that we’ll be able to use them, we’ll be able to rely on them and I think they’ll give their best.”

SM food to go Banner Ad

Mapuwersa ang inaasahan sa dalawang manlalaro – si Kouame sa depensa at si Tamayo sa opensa upan g masilat ang Boban Marjanovic -led Serbians.

Dinurog ng host team Martes ang Dominican Republic , 94-76. Makakatuos din ng Pinoy quintet ang Dominicans sa Biyernes ng 2:30 nang madaling araw. Pinangunahan ni Marjanovic ang home squad sa 18 points at 10 rebounds.

Pero malabong makapaglaro ang may groin injury na si Dwight Ramos sa panig ng Nationals. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.