Abante Tonite Interactive

Kouame, Thirdy mabangis UE Red Warriors pinanis

263

Mabagal ang simula pero uminit sa third quarter sina Thirdy Ravena at Angelo Kouame para gihayan ang defending champions Ateneo Blue Eagles sa 85-68 pagtambak sa UE Red Warriors sa 82nd seniors basketball tourney 1st round elims Miyerkoles ng hapon sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Bumida sa opensa ng si Kouame na may 16 points, 12 rebounds, tatlong blocks, dalawang assists at isang steal, habang ayuda ng 15 markers, limang boards, apat feeds, dalawa swats at stl. si Ravena para iangat ang ADMU sa 6-0 at ilugmok ang biktima sa 1-5.

Umariba ang Warriors sa first half ngunit papasok ng second half pinangunahan ni Ravena ang Loyola Heights-based dribblers tampok ang back-to-back baskets para makuha ang kalamangan, 39-35.

Isang tres mula kay Adrian Wong ang nagbigay sa pinakamalaking kalamangan ng Ateneo, 69-47. Naka-11 pts. siya sa laro.

“I was pretty happy with the third quarter. Ultimately, we got the win and we move forward now into UP,” komento ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Kapos ang 15 pts., tig-6 rebs. at asts. Rey Suerte sa mga basketbolista ng Recto.

Sinalba naman ni Juan de Liano ang UP Fighting Maroons (5-1) sa 72-71 alpas laban sa La Salle Green Archers (2-4), at nasakmal ng NU Bulldogs (1-1-5) ang FEU Tamaraws (2-4), 61-39. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad