Abante Tonite Interactive

Kouame vs Diouf naman sa Ateneo-CEU Finals Game 1

252

Walong tao lang ang naiwan sa roster ng CEU Scorpions, pero ‘di tumiklop ang team ni coach Derrick Pumaren.

Katunayan, winasiwas ng Scorpions ang mga nakatapat para makarating hanggang finals ng 2019 PBA D-League.

Tapos ng game-fixing scandal na tumama sa CEU, pinagtatanggal ang ilang players. Pero nakakabilib na naligtasan nila ang St. Clare College Virtual Reality sa tatlong laro sa semifinals, huli ang 89-72 triumph nitong Martes.

Mamayang 4pm sa FilOil Flying V Center sa San Juan, uumpisahang hamunin ng Scorpions ang Cignal-Ateneo sa Game 1 ng best-of-five championship.
“They’re in the finals for a reason,” ani Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga. “They’ve been playing undermanned and that’s what makes them dangerous.”

Nang makarating sa finals, para nang nag-champion ang CEU.
“Yes, I think for me parang nag-champion na kami,” ani Pumaren. “Biruin mo eight lang kami tapos umabot pa kami dito.”
Aabatan ng
Masinsinang kinausap ng team officials at ni Pumaren ang naiwang players para ipaalala na kailangan nilang maglaro bilang iisang team, magtulungan.

“Sabi ko nga sa kanila, when you step on the floor, it’s all about winning. When the buzzer starts, it’s still five-on-five. It’s not 15 vs. 8, it’s still five-on-five,” giit ng coach.

Nakamata ang lahat sa salpukan ng mga higante (seven footers) sa magkabilang panig na sina Kakou Angelo Franck Williams Kouame ng Blue Eagles at Maodo Malick Diouf ng Centro. (Vladi Eduarre)