Abante Tonite Interactive

Krimen ang pagtatago ng barya  

136

Ang pagtatago ng barya ay itinuturing na krimen at maaaring mapatawan ng parusang hanggang walong taong pagkakabilanggo.

Ito ang inihayag kahapon ni Grace Malic, acting Deputy Director of Analysis and Redemption Division ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Cash Department.

Ayon kay Malic, walang narararanasang kakapusan sa barya ang bansa subalit ang nagiging problema ay itinatago ang mga barya kaya hindi ito nakakaikot.

Nalaman na nitong 2016 may 24.81 barya na nakakalat sa bansa.

Sinabi ni Malic na kapag nagpatuloy ang pagtatago ng mga barya maapektuhan ang kalakalan at ekonomiya ng bansa.