Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Krimen sa PH bumaba ng 34%

0 63

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga naging hak­bangin ng kapulisan at pamahalaan ang dahilan kaya bumaba aniya sa 34% ang naitalang mga krimen sa bansa.

“Dahil din sa mga hakbanging ito ay bumaba ang dami ng kri­men sa ating bansa ng 34%, at mga index crime ng 70% noong 2020 kumpara sa taong 2016, at patuloy po itong bumababa ngayong taon. Kahit po sa survey, masasabi po na ang mga kababayan natin ay sabi nila ay mas feel nilang ligtas sila,” ani Año kay Pangulong Duterte, Lunes ng gabi.

Mula aniya sa ka­buuang 139,111 insi­dente noong 2016, ang bilang ng index crimes ay bumaba sa 41,260 noong 2020, at 27,523 sa unang siyam na bu­wan ngayong taon.

Kabilang sa index crimes ang murder, rape, robbery, aggra­vated assault, burglary, larceny, motor vehicle theft, at arson. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.