Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris 2 beses nag-mall

0 725

NI: VINIA VIVAR

Aminado si Kris Aquino na napakarami niyang bagay na nami-miss ngayong panahon ng pandemya at maraming hindi pwedeng gawin under the “new normal.”

Aniya sa isang video na sinasagot niya ang mga katanungan ng press para sa show niyang ‘Love Life With Kris,’ isa sa nami-miss na niya ay ang mag-travel.

“Seeing new places, especially because hindi pa pwede ngayon. But I have faith, I have faith that we will travel again,” ani Kris.

In fairness ay nakapunta na raw naman siya ng dalawang beses sa mall pero nalungkot daw siya dahil maraming restaurants na sarado na and some of them ay na-feature pa raw niya sa kanyang dating shows.

“Gustong-gusto kong makabangon ang mga restaurants kasi malapit sa puso ko ‘yun, eh,” she said.

Nabanggit nga rin niya ang school dahil kung kailan naman daw niya na-convince ang bunso niyang anak na si Bimby na mag-regular school na, saka naman daw ganito pa ang nangyari.

Before the pandemic kasi ay sa online school naka-enroll si Bimby.

Na-realize rin daw ni Kris ang napakalaking sakripisyo ng mga health workers.

“Ngayon ko na-realize also the great sacrifice na binibigay ng healthcare workers because they give their lives in order for us to live. Ang kapal ko naman kung may hingin pa ako,” sey niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.