Abante Tonite Interactive

Kris, 5 araw nakaratay

By
Kris Aquino
10

SI Kris Aquino ang isa sa special guests ng mag-asawang Anthony ‘Ka Tunying’ at Rossel Ta­berna sa grand opening ng branch ng kanilang Ka Tunying’s Café sa Timog Avenue, QC katapat ng GMA 7.

Na-late ng dating si Kris dahil galing pa siya sa sakit at pinilit lang niyang tumayo para mapagbigyan ang imbitasyon ng mag-asawa.

Ani Kris, “Naka-bedrest ako nang limang araw pero tumayo talaga ako for the love of the couple for Tunying and Rossel. Kasi, ang galing nila na nag-expand sila in less than a year.

“Sana, tuluy-tuloy ang success nilang da­lawa.”

Tumanggi siyang magpa-interview para sagutin ang mga isyu tungkol sa kanya dahil medyo groggy pa siya sa dami ng mga gamot na na-take niya.

“Pasensya na, huwag n’yo na ako tanungin ng anything. Kasi, apat na gamot ang nainom ko. Baka kung ano pa ang masabi ko.

“Nakaapat na gamot ang nainom ko, hindi ko maalala ang lahat na mga nasabi ko.

“Don’t ask me about anything, baka kung ano ang masabi ko, hindi ko na maalala, hindi ko naman madi-deny,” pahayag ni Kris.

Kaya hindi na sinundan ng mga tanong.

Sabi ni Kris, pagkatapos ng ribbon cutting, aalis siya agad para magpa-check-up sa neuro­logist niya pero hanggang sa nakaalis na kami, nandoon pa rin siya at masayang nakipagtsikahan sa mga kaibigang dumalo.

Ilan sa mga kaibigan ng mag-asawang Ta­berna na dumalo para sa ribbon cutting ay sina Mike Enriquez, Karen Davila, Amy Perez, Ro­nald Castañeda at Alice Bernardo na close din kay Kris.