Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris, Alex, Ivana patalbugan sa gimik

0 544

NI: Archie Liao

Dahil marami ang nare-reach ng kanilang Youtube channel at even Facebook page, hindi naman nauubusan ng pakulo ang most followed social media influencers na sina Kris Aquino, Alex Gonzaga at Ivana Alawi.

Sa kaso ni Kris, noong birthday niya namigay na siya ng kadatungan noong birthday niya sa kanyang Facebook at Instagram accounts.

Ngayon namang nalalapit na birthday ni Bimby, ang kanyang bunso, may pasabog muli siyang papremyo sa kanyang avid followers.

Mamimigay siya ng labing-apat na 10k sa kanyang FB followers at pitong 10K sa kanyang Instagram followers.

Ito raw ay bilang pasasalamat sa kanyang tagasubaybay na walang sawang tumatangkilik sa kanya.

Nang umabot naman sa 10 milyon ang subscribers ni Alex, bilang pasasalamat ay namahagi rin siya ng pera sa kanyang masigasig na followers na personal na niyang pinuntahan.

Sa latest vlog naman niya, nagpabongga siya kay Hipon Girl dahil niregaluhan niya ito ng mamahaling regalo na Gucci na ikinainggit ng kanyang kaasarang si Luis Manzano.

Hirit kasi ni Luis, nang maka-collab niya ang aktres, never pa siyang niregaluhan nito.

Speaking of Ivana, may pakulo rin siya sa kanyang latest vlog kung saan namigay siya ng walong P10,000 sa kanyang lucky subscribers na pipiliin nilang mag-anak.

True naman dahil kumikita ang kanilang vlog, namamahagi sila ng kanilang blessings.

Leave A Reply

Your email address will not be published.