Abante Tonite Interactive

Kris Aquino nahuhumaling sa mga poging bagets

238

Kumi-KPop na rin si Kris Aquino, ha! Sa isang Instagram post niya, buong ningning niyang tinanong ang mga IG followers niya kung matanda na raw ba siya para sa BTS. Ang BTS ang isa sa pinakasikat na Kpop group.

Tama ang naisip namin nang makita namin ang post ni Kris sa IG niya na screenshot ng pinapakinggan niyang kanta ng grupo na Best of Me.

Na posibleng napanood nito ang guesting ng grupo sa Ellen DeGeneres Show. ‘Yun na, hindi na kami magtataka kung unti-unti, isa na rin si Kris sa mga celebrities na mahuhumaling sa Kpop.

Sey ni Kris, “Am I too old to join the @bts.bightofficial #btsarmy? I was late in discovering them, honestly I got interested after their AMA awards performance because of their Gucci outfits. Then I watched them them in Ellen & Jimmy Kimmel on @youtube and I bought their album on iTunes.

“I’ve never really watched Koreanovelas, nor have I been interested in K-pop (actually I’m really a Taylor, Demi, Selena, and though she’s not of their age bracket Kelly Clarkson fan- so basically I really love the girls) BUT  I now love #BTS, repeat mode now #BESTOFME.”

Nakapag-concert na sa bansa ang BTS at talagang sold-out concert ito. Kung nagkataon, ang daming mga bagets sana na makakasabay ni Kris na manood.

Binasa namin ang comments sa IG post niya at halos lahat yata, ine-encou­rage pa siya na it’s never too late raw to be a fan of BTS.

Halos nabuhay ang mga BTS army at nagwe-welcome kay Kris. May nagsabi pa rito na good taste raw at merong nagpakilala pa kay Kris kung ano ang naturang grupo.

Na mababait daw ito at magaga­ling na musicians. Matutuwa rin daw si Kris dahil kapag binili raw ang album ng grupo, part of the proceeds will go to UNICEF.

Hmmm… sumunod na rin kaya si Kris sa ibang mga local celebrities na nahuhumaling din sa Kpop at Kdrama tulad nina Anne Curtis at Glaiza de Castro at magkapatid na Janice at Gelli de Belen?