Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris Aquino target ni Susan Barlin

0 1,472

NI: ROLDAN CASTRO
Umaariba ang online show na Life Talk with Susan Barlin sa YouTube.

Si Ms. Susan ay multi-awarded life coach globally.

Kasisimula lang ang kanyang show nu’ng March 14 at karamihan ay mga celebs ang guest niya.

Sa mga pinagdadaanan natin ngayong pandemya ay kailangan natin ng life coach para mabigyan tayo ng gabay. So, napapanahon ang Life Talk na panoorin para gumaan ang ating pakiramdam.

Actually, plano nga ni Ms. Susan na magkaroon ng free consultation sa kanyang online show
Isa sa mga naging guest niya ay si Baron Geisler. Naniniwala siya na kailangan pa rin ng aktor ng life coaching pagkatapos niya itong nakatsikahan

Naging panauhin din niya si Kathleen Hermosa, ang dating Laguna Governor na si ER Ejercito at ang kanyang anak na si Jhulia Ejercito.

Ang pangarap ni Ms. Susan na makatsikahan

Sa kanyang show ay si Kris Aquino na makulay ang buhay.

So, makinig, matuto at magkaroon ng masayang buhay sa bagong online life coach show sa YouTube na Life Talk with Susan Barlin.

An online show that shares the experiences, struggles, and triumphs of others by talking about the most difficult moments in their lives.

“Join our community as we learn life lessons to overcome anxieties and be able to see and experience the best things ahead and experience over all Life Wellness. Join na mga katalkers,” paanyaya ng kanyang online show.

I-type lang sa search ng YouTube ang Life Talk with Susan Barlin . Napapanood ito tuwing Sunday night, 7PM.

Leave A Reply

Your email address will not be published.