Abante Tonite Interactive

Kris ayaw sa lalaking pabigat

0 456

Bongga ang mga art card ni Digital Empress Kris Aquino na kanyang ibinahagi sa IG. Kung babasahin ang mga ito, lalo na kung mapaglaro ang inyong mga imahinasyon, iisipin niyo na para kay this and that person ang nasabing mga linya.

Bukas na aklat naman ang makukulay at minsang masalimuot na pakikipag-relasyon ni Krissy. Ang bongga sa lahat, she may be bruised, wounded, even traumatized with every heart break and separation yet, she survived them all.

Sabi niya nga: “The past and the present. A story through art cards on this carousel. From the writer in me. (Hindi mahaba. On point lang.) Good morning.”

Are these the beginnings of a book she must be writing? “He failed to believe, I was worth it.”

Pangalawa, ito ba ay kanyang mga paalala sa kanyang sarili na she is in a better place emotionally? “Don’t be afraid to love again. He’s not like your exes.”

Dramatic black ang background, immaculate white ang fonts kaya damang-dama ang emosyon mula sa mga salita: “In between, I never want to cry that way again, but I want to love that way again.”

Ito na ba ang pinanghahawakan niyang mantra ngayon? “Love someone who makes loving easy, not a tragedy.”

Para kanino nga kaya ang mga linyang ito? “You have made me feel safe, from all who hurt me…”

Has she finally found the one who makes her heart bounce again? “I met him. And yes, I do deserve the world. “

At ang panghuling art card, ang nilalaman: “When do I see myself HAPPY, you’re in the picture of 4.”

In fair Verona, waging-wagi ang mga statement sa art cards ni Kris. Ang mga nasabing pananalita, may kapangyarihan. Alam mong may kasaysayan. Alam mong mula sa kanyang kaibuturan. Ano nga kaya ang mga kuwentong kasunod na kanyang ilalahad matapos ang mga patikim na ito?

Buntis isyu kay KC muling nabuhay

Kahit may ganitong post sa kanyang IG si KC Concepcion, “More moments with the locals from our @unitednations@worldfoodprogramme mission fields in Mindanao, Southern Philippines. Thankful for 10 years and counting as #WFP National Ambassador. I will always admire how FOOD can be used to inspire, rehabilitate, restore, renew and change lives.

#UnitedNations #WorldFoodProgramme #WFP #tb,” tila mas marami pa ring taong tila ang obsesyon ay ang kanyang timbang at kung siya ay nagdadalang-tao na.

May isa na namang katkatera ang wala yatang kapeng barakong nilalaklak sa bahay nila kaya ang tanong kay Kristina ay: “Are you pregnant?”

Siyempre, best in good manners and right conduct palagi si Bb. Concepcion sa pagsagot sa paulit-ulit na tanong: “You guys have to stop with these pregnant rumors already. That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON. I have NEVER BEEN PREGNANT In my life.

In fact, HOW I WISH I COULD BE.”

May isa pang obviously ay follower ni Concepcion na may post na: “Ang bansang tumaba ka lang, BUNTIS ka na, Philippines!” May pa-love you pa nga ang follower.

Ang reaksyon ni KC: “Korek!!! Kaya nga eto nagpapayat na ako at nageenjoy sa life at baka mapagkamalan ng paulit… ulit…ulit…ulit…ulit…walang katapusan.” Sa smiley emoticon niya tinapos ang kanyang posting.

Walang duda na kahit hindi masyadong visible si KC sa showbizlandia at ang mas pinagkakabisihan ay ang kanyang charitable causes, pati na rin ang kanyang jewelry line, ang mga sumusubaybay sa kanya, miss na miss na siyang mapanood sa telebisyon at pelikula.

‘Yung pagtatanong sa kanya if she is infanticipating, para sa diva that you love, is her fans and followers manner of cariño brutal, paglalambing sa isang iniidolong in sabbatical.

With someone as beautiful, driven, intelligent, talented and professional like Bb. Concepcion, ang kanyang loyal subjects, patuloy ang pagyakap at pagmamahal sa dalaga.

Pia pinapatsugi ang mga nega sa Ms. U

Isang paalala mula sa Philippines 3rd Ms. Universe, Pia Wurtzbach, para sa mga basher at haters that pollute the Ms. Universe social media account: “Hi! Aside from posting pictures, positive messa­ges, and updates about Cat, why not take time to scroll through the comments also and block the ones that are spreading hate on this page. Miss Universe celebrates unity in diversity. Miss Universe uplifts, empowers, and inspires. I think the IG account (and comments that everyone can see) should reflect that also.

“Not sure if they’re aware, but it’s become quite toxic here already. That’s not what MU is about. No more bullying and spreading hate on this page, please.”