Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris balik- Kapamilya network

0 500

NI: ARCHIE LIAO

Noong kasagsagan ng pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN, natanong ng isang netizen si Kris Aquino kung bakit hindi na-renew ang franchise ng nasabing network sa termino ng kanyang kuyang si Noynoy.

Deretsahang sinagot ng aktres-TV host na hindi siya miyembro ng NTC at hindi niya alam ang mga transakyon ng istasyon sa naturang ahensiya.

Sey pa niya, matagal na siyang nananahimik at hindi na contract star ng nabanggit na network since 2016.

Hirit pa niya noon, kung hindi kuntento ang nag-uusisang netizen, malaya itong tanungin o itweet ang dating pangulo lalo hindi naman siya spokesperson nito.

Dahil sa kanyang mga sagot, nahinuha ng netizens na mukhang malalim pa rin ang tampo ng Queen of all Media sa dating home network.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngayon muli na namang nabuhay ang isyu sa

pagtatanong ng isang curious netizen kung bukas pa siya sa pakikipagtrabaho sa Kapamilya network na naging tahanan niya ng maraming taon.

Wala namang kiyemeng sumagot siya na

“I’d like to think bridges could always be built” meaning open siya na muling magbalik sa Kapamilya channel.

Dahil dito, dahil naunsyami ang pagbabalik-telebisyon ni Kris sa TV-5, may mga espekulasyon na hindi sa GMA-7 magka-comeback ang aktres kundi sa Kapamilya network.

Matatandaang hindi na na-renew ang kontrata ni Kris after 2016 dahil aminado siyang hindi niya type ang offer sa kanya pagkatapos ng kanyang matagumpay na Kris TV.

Leave A Reply

Your email address will not be published.