Abante Tonite Interactive

Kris Bernal palaging talunan

By
3,679

Dahil nalalapit na rin ang pagtatapos ng afternoon prime na Impostora, naka-sche­dule na nga si Kris Bernal kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend for a one week vacation sa Iceland.

Loo­king forward na si Kris sa bakasyong ito dahil among her series, ang Impostora ang isa sa physically, mahirap na nagawa nga naman niya. And every after drama, talagang isa ito sa mga ginagawa niya, ang makapag-bakasyon sa ibang bansa.

Sanay na si Kris na after her drama, maghihintay muna siya bago siya mabigyan ng kasunod ng GMA-7. At may plano na si Kris habang naghihintay for her next project. Guess what?

“Maging singer! Hahaha!” sabay sabi ng joke.

Sa susunod na drama naman niya, gusto raw ni Kris na maging bida/kontrabida ang role. Yung hindi naman dalawang katauhan, pero isa lang ang cha­racter niya, pero may pagka-bida/kontrabida ang character.

At least, hindi nagpaka-showbiz si Kris na umamin na nakaramdam siya ng disappointment nang hindi siya manalo ng anumang acting award sa ipinakita niyang pag-arte bilang sina Nimfa at Rosette sa Impostora.

Kahit na sinasabi nitong gusto niyang maging singer naman, still, ang goal pa rin daw niya ay ang manalo ng acting award.

Andrea Brillantes at Bianca Umali type na type ni Martin V

Nagsimula bilang child actor at da­ting VIVA artist si Martin V (Venegas), ang 15 year old na ngayon ay nagbabalik bilang isang singer.

Napakinggan at napanood namin ang MTV niya na My One and LODI na bagay sa mga millennial na tulad ni Martin.

Ang kauna-unahan niyang single ay iri-release ng Star Music at sa February 2 masisimulang marinig sa mga digital stores tulad ng Spotify. Dumaan din sa akward stage si Martin pagkatapos makagawa ng iba’t ibang TV commercials, teleserye at movies. Isa sa mga huling nagawa niyang movie ay ang Moron 5 bilang young Martin Escudero.

Sa tanong namin sa kanya kung ano ang edge niya sa ibang teenstars ngayon, mabilis ang naging sagot niya na, “Baguhan pa lang po ako, wala pa po akong maipagmamalaki sa sa­rili ko. Pero ibibigay ko lang po yung best na magagawa ko po.”
Given the chance na makasama niya ang mga showbiz crushes na sina Andrea Brillantes at Bianca Umali, matutuwa siya nang husto. Idols naman niya sina James Reid sa local at si Justin Bieber sa international.