Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris bet mag-ampon ng baby girl

0 331

ROLDAN CASTRO: Mukhang nagkakainteres ang Queen of All Media na si Kris Aquino na mag-ampon ng baby girl.

Tinanong niya si Bimby kung payag ba siyang na mag-adopt sila.

Buong ningning naman na ‘yes’ ang sagot ng bagets.

“I allowed you like a year ago,” sey pa niya

“No, you never allowed,” hirit ni Tetay.

Pinaliwanag naman ni Bimby na si Josh ‘yung umayaw.

Pero ok lang kung mag-ampon si Kris. Marami nang artista ang nag-adopt gaya nina Claudine Barretto, Paolo Bediones & Lara Morena.

Di ba mga ka-Cuatros?

RODEL FERNANDO: Push mo lang yan Kris dahil wala ka namang anak na babae kaya okey lang na mag-ampon ka. Actually, kakabilib nga ang mga nag-aampon dahil sila ang nagbibigay ng buhay sa mga sanggol o bata man na kakalingain nila. Tulad na lamang ng Superstar na si Nora Aunor na bukas sa publiko ang pagkakaroon niya ng apat na adopted children. Ito ay sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth de Leon. Palaging sinasabi noon ni Nora na ang mga anak niyang ito ay galing sa Diyos na siya ring sinasabi niya sa apat.

SM food to go Banner Ad

May sari-sarili ng buhay ngayon ang mga ito at may mga pamilya na rin pero palagi pa rin nilang sinasabi na utang nila ang kanilang buhay kay Nora. Na kung ano man ang mayroon sila ngayon ay dahil sa kanilang Mama Guy. Maaaring may mga tampuhan sila at hindi pagkakaunawaan pero nananatili pa rin ang bigkis nilang mag-iina. Aminado si Nora na may pagkukulang siya bilang ina nila pero sinasabi rin ng kaniyang mga anak na mayroon din silang shortcomings.

Pero in fairness mga ka-Cuatros lumaking magalang at mababait ang mga adopted children ng Superstar. Walang napabalita sa mga ito na nasangkot sa gulo.Isa lamang ang ibig sabihin nito, naging maganda ang pagpapalaki sa kanila ni Nora.

ROMMEL PLACENTE:Usong-uso sa mga artista mga ka-Cuatros, na kahit may mga anak na sila, ay nagagawa pa rin nilang mag-ampon.Gaya sa kaso ni Sharon Cuneta.May tatlong anak na siya na pawang mga babae,sina KC , Miel at Frankie .Pero nagawa pa rin nilang mag-ampon ni Senator Kiko Pangilinan.Wala pa kasi silang anak na lalaki. Ang maganda sa mag-asawa,bata pa lang si Miguel ay ipinagtapat na nila rito na adopted son nila ito. Hindi nila hinayaang sa iba pa nito malaman balang araw.

Sa guesting kasi ni Sharon noon sa ‘Magandang Buhay’ na kasama niya roon si Miguel,ay sinabi niya na malambing sa kanya ang bata. Kung minsan nga raw ay hindi ito nakakatulog pag hindi nahahawakan ang kanyang kamay.

MILDRED A. BACUD: Suwerte talaga ang mga ampon sa pamilya. Ganun din kasi kina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na nag-ampon bago pa sila ikasal no’ng 2011. Naging open na sila sa publiko na ampon nila ang panganay nilang si Kiel na 12 years old na ngayon.

Naalala ko, isang basher ang sinagot no’n ni Oyo dahil nang i-post niya ang anak ay may nagkomento na maswerte raw ang bata na kahit anak umano ni Kristine sa ibang lalaki ay tinanggap ni Oyo. Kaagad itong sinagot ng aktor at sinabing adopted son nila ito.

Halos pareho rin ng kuwento kay Judy Ann Santos ng ampunin si Yohan taong 2005. Gusto raw talagang magkaanak ng aktres sa edad 26 kaya naman nang tumawag ang ina para sabihing may aampunin siya ay hindi siya nagdalawang isip. siya kaagad. Suwerte si Yohan dahil kaagad naman silang nagsimula ng pamilya ni Ryan Agoncillo.

Alam niyo mga ka-Cuatros swerte raw talaga ang pag-aampon. Paniniwala pa nga ng matatanda, kapag ang mag-asawa raw ay nahihirapan magkaanak, umampon muna at suwerte raw ang dala nito at magkakaanak din daw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.