Abante Tonite Interactive

Kris binalikan ang ‘asawa’

By
4,594

Very touching ang naganap na pagkikita at pagkakaayos nina Kris Aquino at Vice Ganda last Sa­turday night (July 21) sa Trinoma Mall sa scree­ning ng ‘I Love You, Hater’.­ Kumbaga, binalikan ni Kris ang ‘asawa’.

Plano pala sanang magpa-block­ screening ni Vice Ganda para sa naturang pelikula pero wala raw avai­lable na cinema sa Trinoma kaya bumili na lang siya ng maraming tickets at nag-invite ng mga manonood.

Sa IG Live ni Kris mismo napanood ang madam­daming tagpo kung saan ay mahigpit silang nagyakap ni Vice Ganda at hindi na napigilan ng Queen of All Media ang mapaiyak.

Abante Hiring – IT dep

Bago pa man ito naganap ay may hint na sa kanyang IG post si Kris na isang mahal daw ni Bimby ang tumawag at nag-invite na manood ng ILYH.

Sa nasabing post ay ina-announce niya ang IG and Facebook Live na magaganap at 7:40pm.
“By now- you know me… lahat kayang isan­tabi para sa happiness ng mga anak ko. Si kuya josh okay na… Tonight i know this is for Bimb.

“Nag invite ang isang super ni love ni Bimb- sa gitna ng ulan- sugod na kami para manuod ng “I Love You Hater” kasama nya… Join din si ate @juliabarretto na SUPER LOVE ni Bimb.

“My heart overflows w/ happiness because my 2 sons are now happy.­ Tigilan na po natin ang paghusga- yakapin natin­ ang kayang gawin ng mga adults para mapaligaya ang mga naipit na bata… #ichooselove #family,” ang caption ni Kris.

Sa IG Live na tumagal­ ng mahigit dalawang­ minuto, makikitang pagpasok ni Vice Ganda­ sa private room ay ­niyakap niyang una si Bimby at pagkatapos ay join na rin si Kris at nagyakap silang tatlo.

Dito na makikitang napaiyak na si Kris sa labis­ na kaligayahan.

“Kasi na-happy siya (Bimby), alam mo namang loyalist mo yan,” sabi ni Kris na umiiyak.

Related Posts

Pinahiran naman ni Bimby ang luha ng kanyang ina at paulit-ulit ang yakapan nilang tatlo. Makikita rin kay Vice Ganda ang happiness­ at love niya for Kris’ ­youngest son.

Naroroon din ang dalawa pang bida ng ILY na sina Joshua Garcia at Julia Baretto na saksi rin sa napakagandang eksenang ‘yun.

Jake Zyrus nagparamdam kay Garie

Ipinakita ni Jake Zyrus ang kanyang suporta sa launching movie ng kapwa-singer na si Garie Concepcion.

She was present sa premiere night ng ‘The Lease’ na ginanap sa SM Megamall kamakailan.

Kesehodang napakala­kas ng ulan, dumating­ talaga si Jake para ­suportahan ang unang pelikula ni Garie lalo pa nga’t siya naman ang susunod na ilo-launch ng producer ng The Lease.

Nakatakda nang magsimula ng shooting anytime si Jake ng pelikulang ‘Beast Friends’ kung saan ay makakasama niya si Pokwang.

Samantala, ang ‘The Lease’ ay isang psycho-thriller-horror film na intended for an international release.
Kasama rito ni Garie ang Italian actor na si Ruben Maria Soriquez.

Si Ruben ay nakagawa na ng ilang films here and abroad, and he was last seen on TV playing the father of Liza Sobe­rano in ‘Dolce Amore.’

Ang ‘The Lease’ ay base a novela ni Marilo Alman na siya ring producer ng pelikula, at idinirihe naman ng Italian filmmaker Paolo Bertola. The movie is showing on July 25.