Abante Tonite Interactive

Kris binugbog sa pagyayabang

0 1,950

Nainggit ang ilang netizens kay Kris Aquino sa pasasalamat post nito kahapon sa mga tumulong sa kanya at sa dalawang anak na sina Joshua and Bimby para maging kumportable ang kanilang bakasyon sa beach resort ni Willie Revillame.

Na-bash ng netizens si Kris dahil sa VIP treatment na tinatanggap niya dahil rich siya.

“Mahaba pa ang laban, pero hindi masamang magpasalamat. 1st time na kaming 3 lang, kuya josh, bimb, and me… naghanap ng mga kaibigan dito and thank God Alvin & Rochelle found us some of the kindest people.

“I praise God, the pediatrician, Dr delos Reyes checked bimb again- upper respiratory infection & bronchial asthma. No pneumonia, no fever, pero matamlay kasi maraming gamot na iniinom.

“Tinutulungan ako ni Check & Randy (from willie), ni ate Loida & her family, ni nurse Mona, and the very kindhearted Mayor of Puerto Galera, Mayor Rocky Ilagan.

“Maraming salamat sa staff ng resort na tinutuluyan namin (i’ll name the place & share pics pag okay na). And thank you sa mga taga Mercury na tumutulong talaga para mahanap ang maintenance na gamot ko.

“Sobrang mabait & welcoming ng mga taga Puerto Galera- sa lockdown na ito they have made us feel secure, welcomed & cared for.

“God bless you all. I pray for all our healthcare workers. Many have become my close friends & i salute their heroic efforts,” ang nilalaman ng post ni Kris.

Komento ng isang netizen, “dito mapapakita na ang VIP treatment ay para lang sa mayaman. Pag mahirap ka, masahol pa sa hayop ang turing sayo. Marami sa mga Pilipino ang naghahanap ng “safe haven” but of course, hindi nila afford. Ang mga “privileged” lang ang may karapatan sa ligtas at maayos na lugar. Naturingang anak at kapatid ng mga namuno sa Pilipinas, pero mas inuuna pa ang sarili kaysa makatulong man lang lang. Try nyo kayang magpapasok din ng mga homeless dyan para naman makatulong kayo.”

Sinagot ni Kris ang netizen at aniya ay hindi na niya kailangan pang i-post ang deposit slip ng mga tulong na ginagawa niya.

“Zero cases po dito… ang hirap mag post ng bank deposit slips as proof ng tulong na binigay ko na kasi bashing naman na bakit ako nagyayabang ng tulong? Diba damned if you do & damned if you don’t?” ani Kris.

May isa namang nagpayo kay Kris na huwag na raw ipagyabang pa ang masarap na buhay na tinatamasa nito. At hindi rin naman niya ito pinalampas.

“Nag THANK YOU ako. Wala akong pinagyabang. Nagpasalamat na pagaling na ang bunso ko… gusto mo lang akong pintasan, so karapatan kong rumesbak- hindi ako magpapasensya dahil wala akong masamang nasabi sa post ko. Hindi kami nag travel para bakasyon, napaka senseless mo,” sagot ni Kris.

Pati ang drug store na tumulong kay Kris para mahanap ang kanyang maintenance medicine ay nasilip din ng netizens.

“Sow never realized Mercury Drug would go out of their way just to find the meds that you need … in my case they would just simply say “it is not available” too bad my last name can’t move mountains,” komento ng netizen.

Pero napahiya rin naman ang basher na ito dahil maraming kumontra at nagpatotoo na tinulungan din sila ng drug store na makahanap ng gamot na kailangan nila.

“Na experience ko din yan..may hinahanap akong gamot. Nagtawag sila sa other branches nila to chk if may available. Hindi ako pinaalis habang nag chk sa other branches at nakabili ako,” komento ng isang netizen na sinundan din ng iba pa na may ganitong karanasan.

Dingdong natuto sa krisis ng COVID-19

Kahit nasa bahay lang dahil sa enhanced community quarantine sa Luzon, organisado at may schedule pa ring sinusunod ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa mga gagawin nila sa bahay sa maghapon.

Sa isinagawang The No-Contact Online Show last Sunday, March 22, ibinahagi nina Dingdong at Marian ang kanilang ginagawa sa maghapon kasama ang dalawang anak na sina Zia and Ziggy.

Ayon kay Dingdong, siyempre, kasama sa bonding time ang pagluluto ng asawa niya. Hinahati-hati rin daw nila ang maghapon para sa mga aktibidades ng dalawang bata.

“Paliwanag lang namin ‘yung structure ng pamilya namin for the past six days. Siyempre, nag-uumpisa ‘yan sa pagluluto niya (Marian Rivera), ‘yung expertise n’ya. Ang masaya kasi do’n, nakaka-bonding namin ‘yung mga anak namin.

“Although no’ng umpisa, nahirapan kami to figure out kung ano bang magiging schedule for the next 30 days na hindi mauulit, na hindi mabo-bore ‘yung mga bata so dinivide namin ‘yung araw into three. Halimbawa sa morning, time for learning tapos sa afternoon time to play, tapos sa gabi ‘yun na ‘yung bonding namin,” pahayag ni Dingdong.

Nagbigay rin ang aktor ng kanyang pananaw so COVID-19 pandemic at nagbigay ng words of encouragement.

“Mayroon talagang purpose kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Hindi man natin maipaliwanag ngayon pero sooner or later, makikita natin ang tunay na dahilan.

“Pero sa ngayon, maraming itinuturo sa ‘tin ‘yung sitwasyon ngayon, ‘yung crisis.

“For example, as individuals, it teaches us resiliency. As a family, it teaches us how to be sustainable. Siyempre, us, human-beings, it teaches us how to be compassionate to others,” sey ni Dong.

Positive naman ang aktor na malalampasan natin ang health crisis na ito and soon ay magkikita-kita rin daw tayo.

“So ingat tayo parati. Sana soon ay magita kita na tayo, ‘di sa Zoom (group messaging app), kung ‘di sa totoong buhay na,” he said.