Abante Tonite Interactive

Kris, Boy nagkalamat ang friendship

336

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

 

Ang nangyari sa Digital Empress ngayon at Queen of Talk dati na si Kris Aquino at ang namamayagpag pa ring King of Talk, Boy Abunda, isa ba itong buhay na patotoo sa kasabihang showbiz na, “there are no permanent friend or enemies, only permanent interest?”

May nagtanong sa Instagram kay Aquino kung magkaibigan pa ba sila ni Abunda. Ang tugon nito, “to satisfy your curiosity- I believe we’ll always care for each other but we are no longer active participants in each other’s lives.”

Sino’ng mag-aakalang ang kanilang pagiging magkaibigan at matinding platonic love for each ­other, darating sa ganitong sitwasyon?

Ang diva that you love ay hindi privy sa kung anong klaseng bagyo ang pinagdaanan nina Boy at Kristine Bernadette pero tiyak pangmalakasan ito dahil nga sa kanilang nakalipas, may persepsyon ang karamihan na in Abunda’s eyes, Aquino will never do wrong. He was Kris’s staunch defender and supporter kaya naka­katuliro ang katotohanang hindi na sila aktibong nagbabahagian ng mga pangyayari sa kanilang mga buhay.

Kung pagsubok lamang ang yugtong ito sa kanilang dala­wa, nawa’y kanilang malagpasan. Kung sadyang kanilang tutuldukan o tatapusin ang kanilang relasyon with a tandang pandamdam, nakakahinayang pero matatanda na sila, kapwa nila alam kung ano ang mas makakabuti para sa kani-kanilang buhay.

Kung kay Abunda ay strained na ang kanilang friendship, kay Ms. Lolit Solis naman, na hindi sinasadyang masali sa gusot ni Aquino laban sa magkapatid na Falcis, paumanhin ang kanyang pinapaabot. Si Boy at si Ms. Solis, pareho niyang kasama dati sa “Startalk.”

Pagkatapos kaya ng mga gulong ito sa buhay ni Kris Aquino, magkakaalaman na ba talaga kung sino ang kanyang mga totoong kaibigan at mga tunay na hunyango?
***

Ion ‘lab’ ang tawag kay Vice

Ang isa pang hindi natin sigurado kung kaibigan pa rin ni Kris, si Vice Ganda, matapos ang “gamitan lang pala” para mapag-usapan ang “bromosexual relationship” nila sa basketball cager na si Calvin Abueva, may bagong use me in a sentence na hombre na itatago natin sa pangalang Ion Perez, how true?

May slip of the dila ito na “Lab” ang sinambit na ang pinatutukuyan ay ang Queen Bayot. Siempre pa, alaskado kay Vhong Navarro si Kuya Escort na kesyo hindi tinuturuan ni Jose Marie kaya literal na nahuhuli ang isda sa bibig moment.

Oo, nagsigawan ang live audiences sa slow drag dance nina Ion at Ganda sa “It’s Showtime” pero para sa mga manang at manong, lolo at lola, tito at tito, nanay at tatay na mas gusto ang tinapay ay sinasawsaw sa kape, naalibadbaran ang mga ito sa nasabing “lambingan” dahil hindi dapat mapanood on national television, lalo na nga’t tanghalian, ang mga lambutsingan at lambingang lalaki sa kapwa lalaki.

Sa ganitong katotohanan, walang duda na ang pink community hating-hati ang opinion. May masaya para kay Vice at Ion. May naiinggit. Meron ring naduduwal at rimarim na rimarim.

Ang diva that you love, ang wish ko lang, naway walang “gamitan” angle kina Vice at Ion. Na indeed, they are starting to get to know each other at ini-enjoy nila itong kanilang exploration phase. Kung this will end up erotic, platonic or erotic, alam na rin nila kung ano ang dapat gawin patungo sa isang kakaibang pagmamahalan o ispesyal na pagsasamahan.

Huwag agad humusga, dahil hindi naman sila mga pabalat ng aklat.
***

Jackie type magkaanak na walang asawa

Hindi ko sure kung makakatulong sa pagkamausisa ng mga manood ang paandar ni Jackie Rice para sa kanilang programang “TODA One I Love.”

Sa isang panayam, may pahayag si Rice na hindi siya nananalig sa kasal at ang nasa niya ay “anak” at hindi ang magkaasawa.

Galing si Jackie sa isang relasyon na walong taon ang itinagal at nauwi rin ito sa hiwalayan kaya siguro, may trauma pa ang magandang dalaga.

Hayaan na natin siya sa kanyang mga drama. Magbabago tiyak ang kaniyang damdamin ‘pag nagmahal siyang muli.

Ang dapat niyang paghusa-yan, ang kanyang pagganap sa bago nilang primetime drama para naman maramdaman na finally ang kanyang husay at galing.

Sa kanyang batch sa “StarStruck,” siya na lang yata ang last one standing and active pa siya sa showbiz, buo pa rin ang tiwala sa kanya ng mga powers that be sa GMA-7 kaya dapat ­husayan na niya and be an actress of note.