Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris buking ang special guy

0 348

Tila tama ang hula ng mga follower ni Kris Aquino kung sino ang misteryosong lalaking binati niya sa Instagram post.

“Thank you for coming into my life… Happy Birthday!” sabi ni Kris.

Tinawag din ni Kris ang lalaki na “special” at gusto ng bunso niyang si Bimby.

“I thought long and hard whether to upload this, because i know what kind of speculation i’ll be starting… BUT he really did come when my grief was unbearable; he continues to give me unselfish support & comfort; he’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus bimb likes him… most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE. So he is deserving of this birthday greeting that all of you are now seeing (care bears na kung anong iisipin ninyo) BECAUSE for me he is #special,” sey ni Kris.

Karamihan ng follower ay natuwa at kinilig para kay Kris ngunit isang basher umeksena.

Dahilan para replayan ito ni dating Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento gamit ang cellphone ni Kris at napaaming siya ang special na lalaki sa buhay nito.

“Hiniram ko yung phone ni Kris – ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department mahirap maalala ang lahat. Wag naman masamain kung nag greet nga sa ‘kin, ba’t napunta na sa malas? Eh napasaya nga niya ko – kung tutuusin nakapa swerte ko. Kung nagsama nga tayo sa department na minahal ko, konting respeto naman samin ni kris. – Mel Senen Sarmiento.” mensahe ng dating kalihim sa basher. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.