Abante Tonite Interactive

Kris bumaha ng luha kina Ronaldo, Joshua

By
3,033

Happy and thankful si Kris Aquino sa mga papuring natatanggap niya sa performance niya sa ‘I Love You, Hater’ partikular na nga sa powerful scene niya with Ronaldo Valdez.

Ipino-post ni Kris sa kanyang Instagram account ang mga papuri ng mga netizen sa acting­ niya at nababasa nga rin sa feed namin ang katakot-takot na good reviews ng mga netizen.

Sa isang nirepost ni Kris na review ng isang netizen, sinasabi nito na she cried buckets sa scene ng aktres with Ronaldo and Joshua Garcia.

Sa caption ay sinabi ni Kris na after portra­ying Shasha, she rea­lized na marami pa pala siyang emotional issues since lumaki nga siyang walang ama.

“Yes- i love you hater is a romcom, but at the movie’s core is an exploration of each of our relationships w/ our FATHERS.

“Ayokong ma-accuse na “spoiler” ako- but after portraying #SASHA, mas naintindihan ko nang marami nga talagang “emotional issues” na natira sa puso ko.

“Ang naging tadhana ko was to grow up w/ no father- 3 years ko lang na experience to share a home w/ my Dad.

“And siguro nga pinagsikapan ko tala­gang MAKABAWI sa Dad ko dun sa mga “pagkakamali” na hindi sya magiging proud sakin by over compensating when it came to how much i push myself to be a professional success.

“Binilin ni Tito Ronal­do bilang Cesar kay Joko (@garciajoshuae) to make #sasha feel #loved. Every single day of my life- i am blessed kasi ramdam na ramdam ko yun from kuya josh & bimb,” ang post ni Kris.

At dahil sa word of mouth how good the movie is, nagdagdag na ng sinehan ang ‘I Love You, Hater.’ From 200, ngayon ay 240 cinema na ito.

Sa kasalukuyan ay kagagaling lang ni Kris sa Hong Kong ng Digital Empress para mag-shoot ng brand partnership with Cathay Pacific. Dumiretso siyang Malaysia kahapon for another business trip.

Relasyon ni Empoy kay Shy: ‘Shocker’

Laugh trip ang entertainment press na dumalo kahapon sa presscon ng ‘Kusina Kings’ dahil sa isa sa bidang si Empoy Marquez na kung ano-ano ang isinasagot na kalokohan sa mga tanong sa kanya.

May mga seryoso rin naman siyang sagot pero karamihan talaga ay hindi matino na hindi mo malaman kung nagpapatawa or ayaw lang niyang sagutin nang maayos.

May nagkomento nga na puyat daw siguro si Empoy dahil nga super-busy siya ngayon na bukod sa pelikula ay mayroon pang teleseryeng ‘Since I Found You’.

Natanong nga si Empoy kung totoo ba ang tsismis na may relasyon sila ni Shy Carlos matapos nilang gawin ang comedy film na The Barker last year.

“Shocker,” ang sagot ni Empoy. “Magkaibigan po kami ni Shy. Nire­respeto ko ang buong pamilya niya,” dagdag pa niya.

Nagkikita pa ba sila or may communication ba sila?

“No, I’m Star Cinema, she’s a Viva Films,” sagot ni Empoy na ikinatawa ng lahat.

Of course, ang ibig niyang sabihin ay Star Cinema talent siya habang si Shy naman ay Viva Films’ artist.

Pero kung si Z ang tatanungin, napakarami niyang magagandang masasabi kay Empoy.

“Si Empoy naman, sa totoong buhay, lalo na off-cam, hindi naman siya ganyan na kung ano ang napapanood natin sa TV. Sobrang seryoso siyang tao, ang lalim niya mag-isip. Kung baga, ‘pag nagkukuwentuhan kami.

“Ang daming hindi alam ng tao kay Empoy, kung gaano siya kalalim na artist,” papuri ni Zanjoe.

Showing na sa July 25 ang ‘Kusina Kings’ mula sa direksyon ni Victor Villanueva.

Kasama rin sa movie sina Nathalie Hart, Ryan Bang, Maxine Medina, Tiny Corpuz, Hyubs Azarcon, Jun Sabayton, Joma Laba­yen at Nonong Ballinan.