Abante Tonite Interactive

Kris dedma pa rin kay Ai-Ai

By
3,259

Nakakaloka na pati ang tanong kung ‘daks’ si James Yap ay sinagot ni Kris Aquino sa kanyang pa-Q&A sa Instagram.

Ang eksaktong tanong ng netizen, “Miss Kris, daks ba si james? Hahaha jokeee love u krissy and josh and bimb.”

Ang safe at smart na sagot ni Kris, “maybe that question is best directed to his current partner? #proper.”

Hahaha!

Natanong din si Kris kung ano ang masasabi niya sa mga comment na dumidikit siya sa hot item at nakiki-ride siya para mapag-usapan.

“Straight answer – together with a small team of believers, we created KCAP. And now after 53 brand partnerships & endorsements – I believe it is unfair to say I rode on anybody’s coattails,” sagot ni Kris.

‘Yun nga lang hindi na niya sinagot ang kasunod na tanong kung sino talaga ang best friend niya at kung bakit di na sila okay ni Ai-Ai delas Alas.

Kung “I hope so” ang sagot ni Kris sa tanong kung friends pa sila ni Vice Ganda, isang malaking “YES” naman ng sagot niya nang matanong kung magkaibigan pa sila ni Boy Abunda.

***

Sinamahan ni Sharon Cuneta ang Kuya Chet niya na magparehistro sa Comelec (Commission on Elections) kahapon kasabay ng announcement na tatakbo raw itong Mayor ng Pasay City, ang posisyong napakatagal na hinawakan ng kanyang amang si Pablo Cuneta.

Ipinost ni Sharon sa kanyang IG account ang mga larawan nila ni Chet habang nasa Comelec sila at ayon sa Megastar, talagang matagal nilang pinag-usapan ng kuya niya ang tungkol sa desisyong ito.

“This morning, I proudly accompanied my brother Chet as he registered at the Come­lec. It took us many, many heart-to-heart talks throughout some time to finally come to this decision. And we made sure that when we came to it, it was with all our hearts and souls.

“Only with the spirit to serve honestly and with our father Pablo’s legacy in mind.

“Cesar “Chet” Cuneta is running for Mayor of Pasay City. I pray that if you are li­ving in Pasay and rea­ding this, I pray that God touch your heart and support him in these coming elections.

“I will be 110% behind him, beside him. He is giving up his 32 years of his career as a hard-working pilot to serve the people of Pasay City.

“He will make sure na ang lahat ng kikitain ng Pasay ay mapupunta sa pagpaganda, pagpapaunlad ng Pasay, at sa mga TAO NG PASAY. AKO MISMO AY KASAMA NIYANG MAGBABANTAY. God bless you all and thanks so much! We love you. Kuya Chet & Sharon,” ang post ni Sharon.

Sa comments section, ngayon pa lang ay marami na ang nagpahayag ng suporta sa kuya ni Sharon.

***

Ngayong Sabado, July 7, ay guest ang singer na si Macoy Mendoza sa Triple 7 The Concert ni Prima Diva Billy na gaganapin sa Teatrino Promenade, Greenhills.

At dahil first time ng bagitong singer, aminado siyang kabado siya.

“This is my first time to perform in a concert kaya kabado talaga ako. But since parang family naman sila sa akin, at least nababawasan ang kaba ko. Sabi nga nila, dahil ginusto ko ang mundong ito, kailangang panindigan ko. I’ve always dreamt of entering the music business since I was younger,” pahayag ng 18 year-old singer who was discovered and being managed by Ron Michael Nieto.

“Parang baptism of fire of sort ito. I am doing a few songs as guest here pero di na ako mapagtulog sa sobrang excitement. Feeling ko concert ko. Ha! Ha! Ha! I am wishing and ho­ping that you will love my kind of music,” dagdag pa ng newbie.

Macoy is the son of couple Chona and Ignacio Mendoza who are into the electrical and construction business. Both parents also sing – probably a big influence to Macoy who idolizes Bruno Mars, Adele and Ariana Grande.

“This boy has so much to offer. Malawak ang range niya. Siguradong in the next months ay pupuwesto ito sa music business. Lalo pag nagka-recording na iyan, malamang na mara­ming pakakainin ng alikabok iyan,” pahayag naman ng DZMM radio host Jobert Sucaldito and producer of this very intimate concert at Teatrino.

Produced by Front Desk Entertainment Production ang “TRIPLE 7 The Concert” ay mula sa musical direction ni Butch Miraflor. Guests din sina Duncan Ramos, Willy Jones, Mr. Binan 2018 Briant Scott Lomboy, and Kiel plus the very special participation of the country’s number one comic duo AJ Tamiza and Le Chazz.