Abante Tonite Interactive

Kris ‘di inurungan ang tumawag sa kanya ng wh*re

0 597

Hindi inurungan ni Kris Aquino ang isang basher na bastos at tumawag daw sa kanya ng “wh*re”. Hindi na namin makita ang post ng basher sa comments section ng kanyang Instagram account at tanging ang sagot na lang ni Tetay ang nabasa namin.

Ayon sa pahayag ni Kris, nagtatrabaho sa isang airline company ang guy na lumait sa kanya kaya tinawag niya ang pansin ng kompanya.

“Attention @flypal, his profile says he works as part of your ground staff & yet he puts out such a derogatory comment, practically calling me out as a wh*re when 99% of the comments have been so positive because we made kuya josh, happy? and i have been so consistent in my praise for the very visible improvements in your airline? Sad to have a member of your team post in such a way that reflects badly on our flag carrier,” ang sagot ni Kris.

Sa video na ipinost ni Kris ay makikitang masayang-masaya si Joshua habang kinakantahan ni Willie Revillame.

Very vocal naman si Kris noon pa na talagang love na love ni Joshua si Willie at ganu’n din naman ang TV host sa kanyang anak.

Anyway, hindi lang ang happiness ni Joshua ang napansin ng netizens sa video kundi ang chemistry nina Kris at Willie. Ang daming kinilig sa kanila habang kasama nilang mag-iina ang TV host na para silang isang buong pamilya.

Ang dami ring humihiling na sana ay sila na lang at iisa naman ang sagot ni Kris dito – na magkaibigan lang sila ni Willie at ipinagdadasal niyang makatagpo ang TV host ng babaeng tunay na magmamahal at magpapaligaya rito.

“Let’s pray willie ends up w/ someone who will make him feel cared for & happy,” pahayag ni Kris.

Mikee excited kay Alden

First time pa lang makakatrabaho ni Mikee Quintos sa “The Gift” although dati pa naman daw silang magkakilala and became friends dahil nag-workshop na raw sila together.

Ayon kay Mikee na gumaganap bilang isa sa love interest ni Alden sa “The Gift”, sobrang excited siya na makatrabaho ang aktor.

“I’m really excited, kasi isa si Alden sa mga nirerespeto kong artista na mahal talaga ‘yung craft niya as in nakita ko ‘yung work ethics niya, nakita ko siya kung pa’no siya. ‘Yun nga, hindi siya nagbabago.

“I told him this na, kahit sa’ming kapwa artista, he serves as an inspiration kasi lahat ng naging success na naabot na niya ngayon, achievements niya, nagawa niya nang hindi siya nagbabago, na grounded pa rin siya and inspiration ‘yun for us,” sabi ni Mikee.

Excited na rin daw siya sa mga darating na eksena nila together ni Alden especially sa heavy scenes.

“I’m really excited na makaeksena siya and maka-create ng mga eksena or makapag-take together with direk LA na ‘yung mismong ako, magugulat din sa sarili namin, ‘yung mapi-feel namin sa bawat eksena, ‘yung tipong…

“Game akong tumalon sa emosyon ‘pag si Alden ‘yung kaeksena ko. We’re very comfortable na and sana ma-follow through ‘yun at makita n’yo ‘yun sa mga gagawin na eksena rito sa ‘The Gift,’” sey ng aktres.

Sa “The Gift” ay ginagampanan ni Mikee ang kababata ng karakter ni Alden na may lihim na pagtingin sa binata.

Rafael ‘di nahirapang bumalik sa ABS-CBN

Comeback teleserye ni Rafael Rosell sa Kapamilya network ang “Parasite Island” at very thankful siya na muli siyang niyakap ng ABS-CBN matapos mangibang-bahay sa GMA-7 for six years.

Sa mediacon ng nasabing serye ay sinabi ni Rafael that he’s really back for good matapos niyang mag-explore sa ibang networks.

“As you all may know, lumipat ako sa kabila (GMA-7) to explore. ‘Yun ‘yung reason ko talaga – to explore ‘yung buong showbiz bago ako tumanda, dahil gusto ko talagang ma-experience ‘yung buong field.

“Working with the best channel for the longest time, sabi ko, it was time to look at showbiz from a different perspective naman, and I think, the 6 years na nasa GMA-7 ako, I fulfilled what I wanted to explore at wala, it’s as simple as wanting to come back home and now that I’m home, I’m really happy how things are done here and I’ve missed this channel a lot, sobra,” sabi ni Rafael.

Naging maayos daw naman ang proseso ng paglipat at pagpapaalam and luckily, hindi rin naman siya nahirapang bumalik sa dating tahanan at tinanggap siya nang buong puso.

Mainit din naman ang naging pagtanggap sa kanya ng manonood dahil mataas ang ratings ng pilot episode na nagsimula na last Sunday kaya naman sobrang happy rin ng aktor.

Prior to this ay napanood muna sa “Maalaala Mo Kaya” si Rafael with Yen Santos at ang naturang episode ay isa rin sa highest-rating ng MMK kaya naman labis-labis talaga ang pasasalamat ng aktor.

Ang “Parasite Island” ay isang weekend teleserye na napapanood every Sunday na siyang ipinalit sa “Wansapanataym”. Kasama niya rito sina Ria Atayde, Desiree del Valle, Liza Lorena, Paulo Angeles at ang mga baguhang sina Kaori Oinuma, Charlie Dizon at Fino Herrera.