Abante Tonite Interactive

Kris ‘di keri maging simple

223
tonite-imo-vinia-vivar
Inamin ni Kris Aquino na hindi siya talaga pwedeng maging politiko tulad ng kanyang magulang at kapatid dahil hindi raw siya simpleng tao at hindi rin daw siya selfless.
Ito ang pahayag ni Kris sa kanyang recent Instagram post at sey niya, i-save raw ito para kung sakaling tumakbo siya in the future ay puwede siyang sabihang walang isang salita.
“PLEASE save this post and use it against me if i seek political office as proof:  walang isang salita si kris.
“We have good doctors but i need test results asap.
“Last month i canceled work because my face had what i recognized as the “butterfly rash”; i slept last night with it starting, woke up it was prominent. Ne­ver used concealer, today i needed it.
“i am an AQUINO but i lack 2 traits that NINOY, CORY, and NOY all shared- selflessness and simplicity. That’s why i know, i’ll never be deserving of your votes,” ang simula ng post ni Kris.
Bawal daw sa politika ang Chanel, Gucci at iba pang signature brands na as we all know ay brand ng mga suot at gamit niya. Kaya naman ang pakiusap niya sa mga botante, iboto raw ang mga inspi­ring and low maintenance candidate.
“Believe me, i’m not healthy enough for politics. Reality check kahit mababaw, totoo: sa politika bawal ang Chanel, Gucci, etc kasi hindi tama dahil hindi pa mayaman ang Pilipinas.
“Ngayon okay dahil alam nyo how hard i still work. Nakita nyo naman, pumorma pa rin kahit ito na ang hinaharap. My strength is marketing but if i sold myself sa campaign-super EPAL ako. Pinoys vote for inspiring, low maintenance candidates,” saad pa ng post ni Kris.

Alden handang humiwalay kay Maine

Wala pa raw balita kung ano ang next soap opera ni Alden Richards pero kung siya ang masusunod, ang gusto raw niyang next project ay drama na may kaunting darkness.
“‘Yung huling dark role ko po was The Road, so gusto ko pong makagawa ng mas maraming ganu’n para iba naman po ‘yung maipakita ko sa audience, sa mga fans ko po,” he said.
Natanong din ang Pambansang Bae kung okay ba sa kanya na magkaroon ng iba’t ibang ka-loveteam at aniya ok naman daw kung paiba-iba pero si­yempre, kung ano naman daw ang ibigay sa kanya ng management tinatanggap lang niya.
“Kasi, hindi po ako talaga choosy sa trabaho from the very start,” sey niya.
Sa ngayon ay may mga offer daw siya for mo­vies, may horror, may dark story, may romcom pero pinag-uusapan pa raw niya kung ano talaga ang tamang tanggapin kaya hindi pa rin daw sure kung gagawa siya this year ng pelikula.