Abante Tonite Interactive

Kris estafa case kay Falcis ‘credible’

0 262

Naglabas na ang Taguig City Prosecutor ng reso­lusyon kaugnay sa mga kasong estafa through misappropriation and conversion at paglabag sa Access Devices Regulation Act na isinampa ni Kris Aquino laban sa kanyang dating business partner na si Nicko Falcis.

Nakitaan umano ng probable case ng prosecutor ang kasong isinampa laban kay Falcis, ayon sa law firm ng aktres.

“The Taguig-OCP found the statements of Ms. Kris Aquino as credible and the evidence she adduced as sufficient to establish a prima facie case that Nicko Falcis misappropriated and converted the corporate credit card entrusted to him for his own personal expenses,” ayon sa press statement ng Divina Law Firm na siyang may hawak ng mga kaso ni Aquino laban kay Falcis.

Binanggit din umano sa resolusyon ng prosecutor na ang tsekeng personal na idineliber ni Falcis kay Aquino ay isang pag-amin ng kasalanan nito.

Ayon sa Divina Law, lumabas na rin ang katotohanan at umaasa sila na aakyat din sa korte ang iba pang kasong isinampa nila para kay Aquino laban kay Falcis para mapanagot ito sa mga ginawang krimen.

Nauna rito ay nagsampa si Aquino ng 44 counts of qualified theft laban sa kanyang dating business partner, sa pitong lungsod sa Metro Manila kabilang dito ang Quezon City, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Makati at San Juan.

View this post on Instagram

The Taguig City Fiscal is charging Nicko Falcis in court with Estafa and Credit Card Fraud. i need to point out, sa tamang paraan ang pag post nito- as you can see in my video, we received REGISTERED MAIL here at home today. Hindi po isang entertainment portal ang unang naglabas ng balita. i only personally met Dean Nilo Divina October 17, 2018. In 5 months he has become my rock of strength, an infinite source of reassurance, and most of all, he has treated me with so much compassion. Naramdaman ko, para sa kanya, at sa legal team he formed for me, hindi ako kliyente lang, pinahalagahan nila ang puso ko- they have treated me as a REAL person not just someone who is a client. Thank you, Dean because you told me to not let the setbacks derail me because we have the #TRUTH on our side. #divinejustice

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on