Abante Tonite Interactive

Kris hindi ‘Magnanakaw Queen’

923

May official statement na ang Di­vina Law, ang law firm na siyang nagre-represent kay Kris Aquino patungkol sa press conference pagsasalita ng kapatid ni Mr. Nicardo Falcis Jr., ang dating business partner ni Aquino.

Ang pagsasalita niya ba ay dahil abogado rin siya, kliyente niya ang kanyang kapatid and he is speaking in his behalf and best inte­rest?

Ilan sa mga salient point sa official statement na dapat i-address ng akusado, “bakit ito nagtatago” at ang “flight is an admission of guilt.”

Kung wala ngang gina­wang kasalanan at malasadong mga bagay-bagay, bakit hindi humarap at magpakalalaki?

Ginamit lang ni Kris ang proper forum, ang pag-file ng kaso kasi legal itong usapin kaya dapat sa korte magharap at hindi sa social media o sa isang press confe­rence.

Sa kanyang IG post, may mas mahabang paglalahad ang Digital Empress tungkol sa laban niyang ito. Ilang mahahalagang bahagi: “What i’ve achieved because i have had to be fierce in order to survive… i also do not subscribe to the belief that people should be allowed to just tell their lies since eventually the truth comes out anyway, because in my opinion we are only sure of NOW.”

Ang public scrutiny at maling akala, tanggap niya: “i know everything about me can be scrutinized because i chose a high profile career. The millions i earn give you the right to judge me, my past, my mistakes, and even my choice in men… yet nobody can ever justifiably say that there is anything remotely questionable about my financial dealings, my trustworthiness about money, and most especially the transparency and absolute spotlessness of my BIR tax records.”

Gusto niya ring ipaalam sa kapatid ng kanyang idinemanda na: “the 1 thing that has never stuck is that kris aquino is a liar. Drama queen, possible… but definitely not lying queen and never magnanakaw queen.”

Ang be all and end all nito ay: “I was brought up to respect the rule of law, my father gave his life for that principle. And i am also my mother’s daughter, so i shall be exercising my constitutional right to defend my dignity and honor. Pinalaki po akong hinaharap, hindi tinataguan ang lahat ng mga kaso.”

Kahapon, pumunta muli si Aquino sa Quezon City of Hall Justice para harapin ang katotohanang ito.

Sa pinakamabailis na panahon, ipagdasal natin na matapos na ang chapter na ito. Mainam obserbahan ang kasong ito my dear Abante Tonite readers kasi sabay-sabay tayong mara­ming mga aral na mapupulot.
***

Sharon no show sa ABS-CBN Christmas ID

Sa true lang, parehong maganda ang Christmas Stations IDs na nagmula sa dalawang magkaribal na network, ang Family Is Love mula sa ABS-CBN at ang Ipadama Ang Pasko na siya namang holiday handog ng GMA 7.

Parehong nakaka-LSS ang mga IDs at ang mga highlighted dito, talaga namang kahanga-hanga at kapuri-puri. Two rival networks aired its 2018 Christmas Station IDs on the same day this 2018.

All the major, minor, pati na ang bagong lipat, super featured sa Family is Love. ‘Pag pinanood mo itong maigi, malalaman mo talaga kung sino ang biggest, brightest at totoong mga superstars sa Mother Ignacia station.

Sa over 400 Kapamilya stars mula sa ABS-CBN’s entertainment at news programs, hindi ko nasilayan sina Sharon Cuneta at Ri­chard Gomez na may paparating pa namang pelikula. Parang wala ring sighting ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola. Hindi ko rin naramdaman sina JM de Guzman at Barbie Imperial. Wala rin ang kariktan ni Awra. Parang nowhere insight rin si JK Labajo.

Bet ko ang pagpapakita nila ng mga iba’t ibang klaseng pamilya, by blood, by profession, by vocation at iba pa.
Ang Ipadama ang Puso ng Pasko, ang sabi sa kanilang official pralala, over features over 800 Kapuso artists and employees.

Ang may solo singing moment sa ID ay sina Michael V, Alden Richards, Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Christian Bautista, Mark Bautista, Aicelle Santos, Julie Ann San Jose at si Golden Cañedo.

Congratulations sa ABS-CBN at GMA 7 sa bonggang-bongga niyong Christmas Stations IDs. Dagdag cheers at joy talaga ang hatid nila ngayong holiday season.

***

Ruru tinamaan kay Bianca

Usaping Kapuso naman, sighted sina Ruru Madrid at Bian­ca Umali sa Siargao kung saan kasama nila ang pa­milya ni Umali.

Sa mga larawang lumabas, walang duda na malapit ang dalawa sa isa’t isa at beach appropriate naman ang kanilang mga outfits at styling.

Ang pagsasama nga kaya nilang ito ay katotohanan na they are playing sweet music together? Na malaki ang posibilidad na ang mga Kapusong ito ay tunay na tumitibok-tibok ang puso para sa isa’t isa?

Ayon sa source, tinamaan si Ruru kay Bianca. Pero hindi totoo ang tsika na inagaw ni Madrid ang young actress kay Miguel Tanfelix. Split na ang dalawa nang pumasok sa eksena si Ruru.

Makakaapekto kaya sa tambalan ni Bianca kay Miguel ang kaganapang ito? Buo pa ba ang BiGuel loveteam at may projects pa ba silang gagawin?

Si Madrid, ibig bang sabihin nito, tapos na ang infatuation stage niya kay Maureen Wroblewitz? Na sobrang “unreachable” at “unrealistic” na ipagpatuloy ang pagsinta para sa Asian supermodel? Na mas attainable at realistic na maging sila ni Umali?

Makakaasa ba tayo na maliban sa Sunday PINASaya, sa malapit na hinaharap, pagtatambalin sila sa isang teleserye o kaya sa isang pelikula?

Sa true lang, si Madrid at Bianca ang dalawa sa pinaka-promising na talents­ sa Kamuning station. Pareho kasing mahusay at maru­nong umarte. Secondary na lang ‘yung talagang artistahin sila. Dapat major, major forces na ang mga ito sa showbiz kasi may killer combo na, acting and looks. Ano pa kaya ang kulang? Right project? Panahon at pagkakataon? O swerte?

Kung sina Ruru Madrid at Bianca Umali ay tunay na magmamahalan, ito ang dapat gawin nilang fuerza para mas lalong paigtingin ang kanilang mga karera dahil nga sobrang deserving nilang maging matagumpay at sumikat.