Abante Tonite Interactive

Kris, hindi sure kung magkaibigan pa sila ni Vice

By
3,782

Nagpa-Q&A (question and answer) si Kris Aquino sa kanyang Instagram kahapon at isa sa naitanong sa kanya ay kung magkaibigan pa ba sila ni Vice Ganda.

“I hope so” ang sagot ni Kris.

May mga nagtanong kung ano ang ibig niyang sabihin at hindi na niya ito sinagot.

Abante Hiring – IT dep

Tanong din ng isa pang netizen, “are you and the attorney together or not?”

Sagot naman ni Kris, “NO in a romantic sense BUT we are really FRIENDS.”

Si Atty. Gideon Peña ang tinutukoy ng netizen na attorney na nali-link ngayon kay Kris.

Tinanong din siya kung nakikita pa ba niya ang sarili na magpakasal in the future at sagot niya, “I still pray for that to be part of God’s plan for my life.”

Leeg ni Sharon putol kay Maja

Buong ningning na sinabi ni Sharon Cuneta matagal na rin daw niyang gustong makatrabaho si Maja Salvador.

“Ay ano ka bang bata ka. “Sukob” pa lang sinabi ko na gusto kita makasama. Sabi ko ang galing mo dun.

“Eh naman…PAMANGKIN KA KAYANG PURO NG MAMA MINA SALVADOR DEL ROSARIO KO NA MANAGER KO AT ANG PUMILI LAHAT NG PROJECTS KONG NAGING HITS SA VIVA KASALI LAHAT NG MAY BITUIN, TALA, sana’Y WALA NANG WAKS AT MULA PA P.S. I LOVE YOU, MY ONLY LOVE, FRIENDS IN LOVE, TO LOVE AGAIN, NAKA­GAPOS NA PUSO, GINAPOS NA LEEG, BUMANGON AKO AT GINAWA KITANG DINUGUAN…nagkahalo-halo na…

“naku basta tuwing nagkikita tayo sa ASAP AT SANSAN SA ABS nakakapag-usap tayo niyan!!!

“Isa pa…kilala ko ang papa mo. Lab ako nun at kasama ko sa viva habang lumalaki ako! Kaya parang automatic na tayo dapat magkasama,” ang bahagi ng sagot ni Shawie.
Bandang huli ay nag-request pa si Megastar kay Maja na turuan naman daw siyang sumayaw.

“May hihingin lang ako sayo kung mamarapatin mo…TURUAN MO NAMAN AKO NG STYLE MO NG DANCING! Iba-iba alam ko pero yung leeg ko mababakli pag ginaya ko “hairbanging” mo ng wala kang turo at malamang maputol leeg ko. Ngek. Hahahaha! Basta!

“Magkakasama din tayo! Para maiba naman, ikaw ang MATABA at ako ang nakatwo-piece. IKAW TWO-pc. Chicken with rice! Babangon MAMA MINA HALAAAAAAAAAA!!! Hahahaha! Basta dadating din tayo dyan! SALVADOR TAYO. MAGKAPATID PAPA MO AT MAMA MINA KO! Hmmmmmmpp!!!! Lab yu!” pagtatapos ng sagot ni Sharon.

Marami namang mga netizen ang na-excite agad at wish din nilang sana ay magkatotoo ngang magsama ang dalawa sa isang proyekto.