Abante Tonite Interactive

Kris hiniram ang 51.41 carat na kuwintas

0 1,887

tonite-imo-vinia-vivarBukod sa kanyang eleganteng yellow Filipiniana gown designed by Michael Leyva, sobrang nagnakaw ng atensyon ang bonggang diamond necklace na suot ni Kris Aquino sa red carpet premiere ng ‘Crazy Rich Asians’ last Wednesday, July sa TCL Theater, Hollywood.

Ayon sa ulat ni MJ Marfori ng TV5 na siyang nag-cover ng event, ang naturang kuwintas ay 51.41 carat na kapresyo na ng isang gasolinahan.

“Inspired by the beauty of a waterfall, the Fervenza necklace shows a cascading 51.41 carat heart-shaped diamonds in 18k white gold that covers the chest, using the hardest substance on Earth as design to see­mingly protect the delicateness of the real heart inside,” ang deskripsyon ni MJ sa kuwintas base sa kanyang Instagram post.

Pero bago pa man tuluyang maloka ang mga tao, as per Kris’ recent post, binanggit niyang ipinahiram lang sa kanya ng DiaGold Jewels ng Cebu ang naturang kuwintas.

Nag-post si Kris ng back shot ng isinuot niyang gown as Princess Intan sa Crazy Rich Asians at sa caption ay ibinahagi niya ang kanyang proud moment sa world premiere with credits sa lahat ng glam team niya.

“This is the back shot of the gown i wore as Princess Intan in @crazyrichasians, created by @michael5inco who originally came from #Samar…

“I chose this picture as my last post before we fly home because for the rest of my life i shall look back at the experience of being part of @crazyrichasians as a turning point…

“I felt when auditioning for this that there was absolutely nothing left to lose & whether i was included or not- i gave it my very best…

“Seeing the proud, smiling faces of all our fellow Filipino Americans lining Hollywood Boulevard made me rea­lize that the greatest gift this movie gave me was that it gave me that special opportunity to make us Filipinos feel good about ourselves & our contribution to the global workforce…

“There’s a point in the movie when Rachel­ (@constancewu) is told that she would never be “enough” – a part of my heart felt that many of us at one point in our lives have all been made to feel that BUT tonight’s premiere, walking down that imperial green carpet, in a yellow gown w/ a prominent yellow ribbon a lasting,meaningful symbol of sacrifice & the Filipino worth dying for, fighting for, and living for-made by a young Filipino designer @michaelleyva_ in his #Rizal workshop by Filipino cutters & sewers, wearing jewelry lent to me by @diagold_ph based in #Cebu, w/ makeup done by @rbchanco who traces her roots to #Laguna & #Masbate, and my hair styled by @pinantonio, this girl whose parents hail from #Tarlac, #Bulacan, and #Antipolo, w/ her son who can also trace his roots to the #Negros Region, watching myself on that big TCL Chinese theater screen w/ makeup done by #Bicolano@juansarte & hair by #Butuan born & raised @nantealingasa & @jonathanvelasco__ from #Quezon City, styled by Filipino Chinese @kimiyap & @boopyap, i felt we are SPECIAL because iba ang Filipino pag sumuporta at magmahal…

“Thank you for truly restoring my FAITH na #kaysarapmagingpilipino,” ang mahabang post ni Kris.

As we write ay pabalik na ng ‘Pinas ang Social Media Queen/Influencer dahil nag-post siya kahapon ng madaling-araw ng larawan habang nasa airport sila.

“Headed home,” ang caption ni Kris sa lara­wan.

Hindi biro magkaanak nang maaga — Ryle

Sa presscon ng ‘Bakwit Boys’ ay natanong ang Hashtag member na si Ryle Santiago kung hindi ba siya naiinggit sa ibang ka-miyembro niya na may mga anak na.

Natawa si Ryle at nagbiro, “to be honest, minsan, eh.”

Pero seriously, aniya, ay hindi raw biro ang magkaroon ng anak nang maaga.

“Kung gusto ko ng baby, lalaruin ko na lang ang mga baby nila. Kaya na nila ‘yun. Hindi, siyempre, alam kong kahit paano nahihirapan sila. Hindi biro ‘yung magkaanak nang maaga.

“Dara­ting din ‘yung time na ‘yun, darating din ako du’n, na may anak na rin, one day. Hindi pa ngayon.­ Nanga­ngarap din akong magkapamilya pero siyempre, gusto kong daanan ang bawat stage ng buhay ko,” sey niya.

Bata pa naman daw siya at ngayong kumikita na siya ng pera, gusto niya munang mag-invest para ‘pag dumating daw ‘yung tamang panahon to get married and be a father ay handa na siya.

Ang Bakwit Boys ay official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magbubukas sa mga sinehan ngayong Aug. 15. Ito ay mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana who also made the blockbuster ‘100 Tula Para Kay Stella’ at produced by T-Rex Entertainment, the producer of the hit comedies ‘Deadma Walking’ and ‘Patay na si Hesus’.

Kasama rin sa movie sina Devon Seron, stage heartthrob Vance Lare­na, singing champion Mackie Empuerto and another Hashtag member, Nikko Natividad.

‘Onanay’ sulit ang pagod sa waging ratings

Maipagmama­laki ng cast ng ‘Onanay’ ang kanilang puyat at pagod dahil wagi sa ra­tings ang serye sa pilot episode nito last Monday (Aug. 6) at maging kinabukasan, Martes (Aug 7).

Inabangan ang pagdating ng karakter ni Cherie Gil sa serye, at mula nang magkaroon sila ng eksena ni Onay (Jo Berry) ay hindi na raw bumitaw ang mga manonood dito.

Kahit mismong si Cherie ay hindi kinaya ang eksena. “That was tough to watch,” post ng magaling na aktres sa Instagram.

Nabanggit na ng veteran contrabida na maingat siya sa mga eksena dahil ayaw niyang masaktan si Jo, pero ibang sakit pala ang naramdaman niya nang mapanood ang eksena.

Nakakatuwang subay­bayan si Cherie sa kanyang Instagram posts dahil malayong-malayo sa intimidating character niya ang kanyang online presence. Benta ang posts at nakakaaliw basahin.